Ang gulo ng bahay tae! Bakit ba kasi walang pupunta dito para maglinis. O ngayon, mapipilitan ako maglinis.Inayos ko yung mga nagkalat na damit na hindi ko pa naman naisusuot at ilagay uli sa cabinet ko pero nakita ko tong Bear.
Flashback..
You made my day!
You made my day!
You made my day!
What's with that words? Yan yung sinabi sa akin ni Blessie bago kami umuwi. Paulit-ulit na nagfflashback yan sa isipan ko. Para akong engot dito sa jeep. Ngumingiti mag-isa.
"Naka drugs ka ba pare? Anong ngini-ngiti mo diyan?"
Nakalimutan kong may kasama pala akong retard dito. Haaay! Si Kiko na Sabay ng sabay saken pauwi para makalibre lagi ng pamasahe. Financer yata tingin niya saken eh.
"Wag ka ngang pampam diyan! Naiiirita ko sa pagmumuka mo!"
"Wow! Nakakahiya naman sayo Clint. Perfect ka? Sa exam ka lang nakakaperfect pero pag physical appearance ang pag-uusapan. Pare, tanggapin mo na. Di hamak naman na lamang na lamang ako sayo."
Aba! Ipinagsisigawan niya pa. Feeling niya yata siya lang pasahero dito sa jeep.
"Shut up duse! Nakakahiya ka. Manahimik ka nga diyan!"
"Tanggapin mo na kasi. Truth hurts pare!" Tsss! He's so annoying.
"Manong, sa tabi lang."
Tumigil yung jeep at agad akong bumaba nang hindi nagpapaalam kay Kiko. Ha! Buti nga sakanya.
"Hoy! Yung laptop ko! Ibalik mo yan! Tulong! Magnanakaw yan! Snatcher! Halang ang kaluluwa! Bumalik ka dito!"
Nagsisisigaw siya dun sa bintana ng jeep. Wtf? Alam niya ba ginagawa at sinasabi niya? Laptop? Snatcher? Kelan pa siya nagkalaptop? Kahit kelan talaga siya! He's a pain in butt!
Hinayaan ko lang siya. Susme. Nakakahiya! Bahala siya sa buhay niya. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa unit ko.
Saan ko kaya ilalagay tong pagkalaki-laking teddy bear na to?
Sa Kwarto? Medyo Hindi bagay sa contrast ng kulay ng pader.
Sa Living room? Di pwede nakakadisturb tignan!
Sa Kusina? Nah! Baka matalsikan ng mantika pag nagluto ako.
Sa Banyo? Di ren pwede. Syempre mababasa! Tae!
Sa basurahan na lang kaya? Tutal, wala naman akong hilig sa mga ganitong bagay! Tss.
De wag, sayang to remembrance ko na din to dahil first time kong nanalo ng ganoong kalaking tickets sa timezone. Kaya ilalagay ko siya dito sa Cabinet. Parang ang awkward pag dinisplay ko eh.
End of flashback
Nahimasmasan lang ako ng may kumatok sa pinto.
Sino naman kaya itong istorbo na to?
"TONTON!"
Is it the real life? Or is this just a fantasy?
"You're too irresponsible!"
Am I only dreaming, Or this is burning an eternal flame?
"Hoy Tonton! Bakit ang gulo dito? Yung lababo punung puno ng hugasin. Maryosep kang bata ka!
I know that stare. Yari ako dito ng Bigtime.
Nakapamewang na siya at may lumalabas na na usok sa dalawang butas ng ilong niya.