Clint's POVHawak hawak ko yung camera ko na binigay sakin ni Kuya Liam bago pumasok sa headquarters ng Pixels. Nabanggit ko na sainyo to last time right? Na Im planning to join this club para maenhance yung frustrations ko sa photography.
"Uhm, Sir. Pwede pa po bang sumali sa Pixels?" Tanong ko kay Sir Marco. Ofcourse, I do know him. Idol ko to eh. He's such a very good mentor sa Pixels. Tska talagang professional siya.
"So you're interested to join us? Go have a sit. Kunin ko lang yung form."
After kong mag fill up, konting interview. Tinanong kung bakit ko gustong sumali. Talaga bang hilig ko yung photography. Mga ganon.
Actually, bored lang talaga ko dati kaya naisipan kong kumuha ng photos. Mostly mga street children. Their smiles were so priceless. Nakakaantig kasi ng puso pag nakikita mo silang nakangiti at hindi inaalintana yung kahirapan nila. Minsan naman landscape photography ang hilig ko. Like yung mga beautiful sceneries, mountains, ultimo mga bulaklak kinukunan ko. Kaso wala lang talaga akong camera na maangas dati. But now. Huh!
"Do you have your sample shots with you?"
Kinakabahan ako habang pinagmamasdan niya ng mabuti yung shots ko. Whew. Nakakapressure pala pag isang pro ang kumikilatis sa kuha mo. Pag mga kaibigan mo lang kasi, wala silang pakielam. Hahaha.
"You have a potential, kid. Welcome to Pixels." Whoooa?! Sawakas! Im speechless. "Sama ka sa photowalk namin kasama yung mga bagong members. Okay?"
"Yes, Sir. Thank you po."
Umalis din ako kagad at pumuntang CR. Di ko kasi malabas yung feels ko don. Nakakahiya.
"Whooo! Congrats Clint! You're the Man!" Sabi ko sa harap ng salamin.
--
Pumasok na ko sa room namin at nadatnan ko yung tatlong babae na nagtsitsismisan sa bandang likod. Yeah. After nung acquaintance party, halos lagi ng kasama nina Isabelle at Blessie si Lyzza. Minsan sumasama na rin siya pag naghahang out kami. Tapos nagsisit in na rin siya sa klase namin pag close niya yung prof. Odiba? Siya na malakas. Palibahasa top student ng Network Administration 'to eh.
"Hi Clint! Bakit mag-isa ka lang nasaan sila? Bakit di mo kasama?"
Tanong ni Isabelle."Di ko alam eh. May pinuntahan kasi ako. Baka nakina Paul yun."
"E si Ken? Nakita mo ba?" Lyzza asked na parang asong gutom na naghihintay ng sagot ko. Sabi ko na nga ba eh. Malakas ang pakiramdam kong isa sa mga reasons kaya lagi niyang kasama yung dalawa is because of Ken.
Matagal na yang may Hidden desire sa mokong kong kaibigan. Kaya siguro nagpaganda to lalo eh. Ano ba kasing meron sa kanya? E kung tutuusin magugulo lang buhay niya dun. Baka maapektuhan pa ang studies niya.
"Di ko nga alam." Sabi ko.
"Sungit mo, baby ha!" Nagulat ako sa sinabi ni Blessie. Whaaat? Baby? Ugh!
"Ayeeeeee!" pang aasar nung dalawa.
"Talagang pag nagmovie date, nagkakaron na ng eanderment?" Lyzza.
Gahd?! Bakit niya kwinento? Kaasar. Feeling ko namumula na yung mukha ko. Hindi ako kinikilig. Nahihiya ako. Tae.
"Ano ba kayo, mahilig lang akong tumawag ng baby. Wag kayong malisyosa mag-isip. We're just friends. Di ba, Clint?"
We're just friends. Aray ko.
"Oo naman." Maikli kong sagot.
Tuloy lang sila ng asaran nila. Halatang annoyed na si Blessie. Paulit ulit siya na friends lang kami at walang something sa min. Ofcourse, what would I expect? Wala akong karapatang masaktan sa sinasabi niya. Friends naman talaga kami.