Just Another Boy (14)

26 2 0
                                    



Clint's POV



Halos maubos ko yung isang litro ng bottled water dahil sa ginawa naming photowalk sa Intramuros kanina. Grabe. Sobrang napagod ako! Imagine? Gaano kalaki yung Intramuros? Ganon din yung nilakad namin. Buti nga sarado na yung Fort Santiago kundi, baka di pa kami makakabalik ng maaga dito sa school.


"Napagod ba kayo?" Tanong ni Sir Marco.


Ay hindi Sir, hindi nakakapagod!


But it's worth the pagod! Ang dami kong natutunan in just a short period of time. Mga techniques, kung paano mag adjust ng mga kung anu ano, mga rules, and so on. Hindi talaga ako nagkamali ng pinasukan. Lalong maeenhance yung skills ko dito. Ye!


"Im informing you guys na magkakaroon ng National Competition at Seminar sa photography next week. Kasali lahat ng kilalang Universities dito sa Pilipinas. It will be held at De La Solidaridad University. This is a great opportunity para sa mga new aspiring photographers tulad niyo."


Napa wow ako sa sinabi ni Sir Marco. Sana isa ko sa mga mapili dito. Di pa rin ako nakakapasok ng DLSU eh. Mukhang maangas to!


"But unfortunately dalawang representatives lang ng bawat school ang pwede kong isama sa seminar dahil si Theo ang isasali ko sa Competition since senior na siya."


Awtsu.


"At para makapili ako ng isasama ko don, that's why nagphotowalk tayo kanina. You will be submit your best shot as your entries. Kung kaninong shot ang pinakamaganda, then sila ang gagawin kong representatives ng school sa seminar."


"Nako, sure win ako dito pare." Narinig kong nagsalita si James at pinapakita kay Daniel yung shot niya. It was a photo of the walls na kinunan niya sa taas.

"Tingnan mo itong sakin oh. Yung bukana ng Intramuros. Medyo binilisan ko yung shutter speed para may effect yung mga taong naglalakad." Daniel


Okay? Ang yayabang nila. Hindi ako bitter para sabihing hindi maganda yung kuha nila. Kaso paano? Paano ako? Kasalanan ko to eh. Tinamad kasi akong maglakad lakad kaya umupo ako saglit tapos may nakita akong dalawang batang palaboy. Nilibre ko sila ng Ice cream sa 7/11 tapos sila na yung napagtripan kong kuhaan ng kuhaan. Tae. Yung smile kasi nila. Its a moment to cherish. Seriously.


"Isusubmit niyo sakin yan ng nakadigital print. A4 size. Tomorrow!"

Tumango naman kami. Suskopo! Anong isusubmit ko! Opportunity din to. Sana kasi kanina pa sinabi edi sana nagseryoso ako kahit papaano di ba? Huhuhu.


"Nasaan nga pala si Theo? Kailangan ko siyang makausap about sa competition. Papuntahin niyo nga dito. Ngayon na." Sir Marco.


"Ah, Sir. Nagtext siya kanina. Nasa meeting daw po siya ng front row."

Sabi ni Russel.


Si Theo kasi ang President ng Pixels kaya siya rin ang kinukuhang photographer ng Front row. Deserve niya naman ang magcompete sa National level. Grabe he's a beast pagdating sa pagkuha ng mga photo.

Just Another BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon