Kiko's POV"2 Burger Bundles. 1 Pork McRib tska 5 new Chicken McMcMcdo and a Happy meal. Yung Flexible Finn" Sabi ko dun sa teller ng McDo.
Ang sarap neto. Grabe ang yaman talaga neto ni Clint. Biruin niyo, 3 times a day ang grocery, may Xbox one, tapos nagpadeliver pa. Ang swerte swerte talaga namin at kaibigan namin tong panget na to. Hahaaha.
Ang laki niya na. Sabay kasi kami nito tumanda. Gradeschool pa lang siya na yung kasakasama ko sa lungkot at ligaya, hirap o ginhawa. College na kami pero isip bata pa rin siya kaya walang nagkacrush dito eh. Bading pa yata.
"Pre, ready your 1,250 pesos." Tinabihan ko siya. Napaka busy niya nanaman. Weirdo.
Tinanggal niya yung earphones sa tenga niya. "Whaaat?" Ang sungit nito. Bading amputa.
"Pangit ka na, bingi ka pa. Sabi ko, 1,250 pesos yung babayaran mo, handa mo na sir!" Medyo napasigaw ako. Bingi eh.
"Shit Kiko! Anong pinadeliver mo? Bat ganun kamahal?" Uh-Oh. Mahal ba yun? Baryang baryang lang to sakanya eh. Yaman yaman neto.
Napansin kong tinignan niya yung wallet niya. Ichecheck siguro neto kung magkano pera niya. Kawawa naman siya.
"Di kasya tong cash ko. Anubayan! Samahan mo ko. Magwithdraw tayo." Luuh! Maglalaro pa ko eh. Huhu
"Clint, kaya mo na yan!"
Tas tinap ko yung shoulder niya. Mehehehe. Please Clint, wag ka na magpasama, Oo makapal mukha ko, Kaibigan kita, Nagpalibre kame sa'yo, pero wag ngayon. Maglalaro pa talaga ko.Lagi na lang akong nagsunudsunuran sakanya. Sawang sawa na ko sa pang aalipustang ginagawa niya sa akin.
Winiwave ni Clint yung kamay niya sa harapan ng mukha ko.
"Hoy Kiko U okay? Sabi ko samahan mo ko dali. Bahala kayo diyan magbayad pag biglang dumating yung delivery."
"May magagawa pa ba ko? Ugh! Tara tara! Dalian natin uh."
Natatawa ko. Parang si Clint pa kase yung may diperensya samen. Hahahaha. Kaya mahal na mahal ko itong kumag na 'to eh.
Sinundan ko na siya paglabas niya ng pinto. Ang bilis maglakad putek. Nagpapasama tapos mang iiwan. Attitude din to eh.
"Dude. Wait lang. Nagmamadali ka ba?"
Nakita kong medyo bumagal yung lakad niya. Teka parang may mali. Ang weird niya bat ganon?
"Oy! Pre! Ayos ka lang ba? Problema mo? Bat ganyan ka?" Baka kase nagtatampo pa rin to o kaya nabwiset talaga sa ginawa namin.
Bigla siyang huminto sa paglalakad. Tamang tama para masabayan siya.
"Clint. Pasensya na talaga kanina. Di naman akalain na sobra kang matatakot. Sorry na!"
"Uyyy!" I poked his back.
Hindi siya gumagalaw. Problema neto?
"Men ano ka ba!" I poked him again.
That time parang napansin kong gumagalaw yung fist niya na tila may sasapakin siya. Shit?! Baka sapakin nanaman ako neto. Grabe napaka abussive niya.
"Di niyo dapat ginawa yon. Binuksan niyo ang tanging lagusan papunta sa kabilang mundo."
Gulps.
WHAT THE HELL DID I JUST HEARD?
"Kung sa tingin niyo tama ang ginawa niyo, pwes nagkakamali kayo. Mag-ingat kayo sa mga pwedeng mangyari. Ito na ang panahon ng pagbabalik niya."
WAAAAAAAAAH!