Third and Last day ng Outreach program.
Maaga kaming nagprepare para sa gaganaping thanksgiving mass sa maliit na simbahan dun sa kabilang Sitio. Nakakalungkot lang kasi wala silang sariling simabahan dito. Kailangan pa nilang lumakad ng sobrang layo para lang makadalo ng misa. At yun ang gagawin namin ngayon. Kinuha ko na yung mga gamit at camera ko at sinukbit yun sa leeg ko.
"Clint!"
Sino pa bang tatawag sakin di ba? Kundi si Gabby. Asa naman kayong si Blessie. For sure, nandun nay un sa simabahan. Kasama si Deo. Tsss.
"Bakit, Gabby? " Maikli kong sagot sakanya.
"Aalis ka na ba? Sabay na kami nina Blessie sa'yo. Okay lang?"
I raised my eyebrows. "Nandiyan pa si Blessie?" Aba, himala yata. Akala ko kasi nakabuntot nanaman sakanya yung kupal na Deo na yun.
"Oo. Uyyyyy. Kinikilig yan! Aminin!" Pang-aasar niya na may kasama pang pagkurot sa tagiliran ko. Sus. Nanantsing lang to eh.
Hindi na ko nagreact at binuksan yung camera ko at kinuhaan yung tanawin sa may baba ng bundok. Ang ganda kasi. Kaso napalingon ako nung narinig kong tinawag ni Gabby si Blessie. Mas maganda pa siya dun sa tanawin sa ibaba. Ang simple niya lang tignan. Ahhhhh. I love the view!
"Sorry guys ah. Naghintay ba kayo ng matagal?" Hindi pa rin maalis yung tingin ko. Parang nakaglue yung mga mata ko sakanya. Uhhh. "Inayos ko lang kasi yung mga gamit ko para sa pagbalik natin sa Manila." She added.
"Ay okay lang naman samin maghintay nina Cynths di ba?" Tumingin siya kay Cynthia na obvious naming napilitan lang mag agree kay Gabby. "Kaso itong si Clint, excited. Halos ayaw ka nang hintayin."
"It's worth the wait."
Saan nanaman galling yung sinabi ko? Tae nakakahiya. I bit my lower lip at naglakad na paalis. Narinig kong nag aasaran sila sa likod ko. Panay ang tawanan eh. Ako ba pinagtatawanan nila Tss?
Matapos ang almost 1 hour na paglalakad, nakarating na din kami sa Simbahan. Maayos na sana eh. Kaso, yung mokong na Deon a yun, ayan. Abangerz kay Blessie. Tsss. Sana sinabayan niya na lang di ba? Para ganap na ganap yung pagporma niya. Punyeta!
"Bless, buti naman nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay eh. Malapit na magstart yung mass. Lets go inside?" Talaga naman! May kasama pang pag-akbay!
I chuckled. Hahaha! Natawa ko sa pag-alis ni Blessie ng kamay ni Deo sa balikat niya. Ang sarap niyang asarin at ibelat. Pahiya siya ng konti eh. Hahaha!
"Doon tayo upo malapit sa may bintana para mahangin." Pagdagdag ni Deo. "IKaw, Clint? Tabi ka na samin."
NO WAY DUDE! Baka mahawa ako ng kalandian mong hayup ka.
Keep your cool, Clint. Nasa simbahan ka tandaan mo. Doon ako umupo sa may gilid dahil kailangan ko pa ring magtake ng photos since kasama pa 'to sa icocover ko.
Nasa kalagitnaan na ng misa at nasa part na ng 'Our Father'. Napatingin ako sa pwesto nina Clint at talaga naman! Ang kuya niyo Deo, feel na feel ang paghawak sa kamay ni Blessie.
Pero wala akong magawa.
Wala akong dapat gawin.
Dahil wala naman akong karapatan.
--
Blessie's POV