* This was actually supposed to be the POV of Isabelle. Pero dahil sa tamad ako, hindi ko na inayos. Madudugtong niyo naman siguro yan sa previous chapter which is the special chapter of Ian. Lawakan na lamang ang ating imahinasyon at pang-unawa. Heehee.*
"Hindi ko hilig ang magmakaawa para sa isang tao. Hindi ako mahilig manghingi at mamalimos. At hindi rin ako mahilig mamilit kung talagang ayaw mo. Pero kung magkakaroon ng pagkakataon na humingi ako pero hindi mo ibibigay, rerespetuhin kita at makakaasa kang hinding hindi ko na ulit hihingin sayo 'yung bagay na 'yon. Tatahimik ako."
"Hey, why are you saying these such things?"
Hindi ko muling sinagot yung tanong niya. Wag nga siyang epal. Prinaktis ko tong lintanya kong ito.
"Kasi gusto ko 'yung kusa kasi mas masaya kung kusa mong ibibigay ang isang bagay na gustong gusto ko, ayoko talaga ng may halong pilit. Hindi rin ako mahilig manghingi kasi ayokong magkaroon ng utang na loob sayo. Minsan tinatanggihan ko pa ang mga bagay na gustong ibigay sa akin ng isang tao dahil ayokong mag-abala pa sila. Ayoko ring isipin nila na pala-asa ako. Oo masaya ako kasi kahit papaano nag-iisip sila ng paraan para pasayahin ako. Naa-appreciate ko 'yon, sobra.
Di pa rin niya binibitiwan yung last slice ng pizza. Haaaay!
"Pero alam mo ba noong nakilala kita? Noong napagtanto ko sa sarili ko kung ano ka talaga para sa akin? Gustong gusto kong magmakaawa. Gustong gusto kong lumuhod sa harapan mo, magmamakaawang sana mahalin mo rin ako. Gustong gusto kitang makasama araw-araw. Gustong gusto kong hingin lahat ng oras mo, lahat ng atensyon mo. Gustong gusto kong maging selfish. Gustong gusto kong angkinin lahat ng sayo. Gusto kong isipin mo na you're only mine and I'm only yours. Gustong gusto ko ang lahat sayo. Gustong gusto kitang ipagdamutan."
I took a deep breathe.
"Yun lang naman yung tanong ko 'di ba?"
"Wait, Answer my question first before I answer yours. Do you still love me?"
"You want the truth?" She nodded. "No. Hindi ko rin alam ang sagot. Ewan ko ba? Ang gulo ko eh noh? Nakikipagbalikan ako sa'yo ngayon actually. Noong minsan kang nawala ka sakin, parang bigla nalang naging ganito. Bigla nalang nawala. Bigla nalang may naglaho. Bigla nalang may nagbago. Kailan ba nagsimula? Hindi ko rin alam eh, hindi ko na matandaan. Hindi ko na gustong tandaan pa. Kaso hindi ko maiwasan. Basta I woke up one day na iba na 'yung pakikitungo mo sa akin. The way you treat me? Very unusual. Iba na 'yung routine natin, nagiging cold na. Naiiyak at nabibwisit na nga lang ako sa sarili ko kakaisip minsan kung ano ba talaga ang nangyari, anong nagawa ko o anong nasabi kong mali? May kulang pa ba, para mangyari ang mga nangyayari ngayon. O pinili mong lumayo na lang? Ng walang rason. Dahil trip mo lang? Sana naging trip ko rin palang lumayo, eh noh? Para kahit papaano hindi ako lugi."
Parang ayaw ko na magsalita pa. Nagsisimula nang pumatak yung luha niya. At ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Kaso, ito yung tama. Kailangan.
"Namimiss mo kaya ha? Namimiss mo kaya 'yong dating tayo? Dati kasi, alam mo 'yon, halos magdamagan tayong nag-uusap. Parati tayong may paraan para makapag-usap. Hindi kumpleto yung araw kung di tayo nakakapag-usap eh. Ang kulit kulit mo pa nga kasi palagi mo kong hinahanap. Makareply lang ako ng matagal, halos pasabugin mo na ang cellphone ko at maghanap kaagad ng text. Napapangiti nalang ako. Ang clingy mo, ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na hinahanap-hanap mo ko. Maibabalik pa kaya 'yon? Di na siguro. Kung maibalik man, Mahirap na siguro."