Just Another Boy (10)

21 2 0
                                    

Blessie' POV

What a tiring day!

May forever pala sa forever21. Yes. As in inabot kami ng forever kakahintay sa echuserang credit card ni Isabelle na obvious naman na deactivated na. Hahaha. Good thing nandun yung hero niya to save her kasi ako, wala akong mapapahiram na pera sakanya that time. At buti mabait si Clint dahil hinatid niya ko hanggang dito sa bahay. Naks! Bumili kasi ako ng mga gamit para sa bahay.

After kong mag shower dahil sobrang nanlagkit ako sa ginawa namin, minabuti kong ayusin yung mga dadalhin ko para bukas. Di ako pwedeng magsleep over kina Paul. Buti sana kung kasama si Isabelle kaso hindi.

Puro lalaki yung kasama ko the whole night under the same roof?
That's no no.

--

"Clint pwede mo ba kong samahan sa Metro? Withdraw lang ako ng panggastos bukas. Please?"

Sending kisses to heaven kasi sinagot ni Lord yung prayer ko na hanapan ng makakasama. Takot akong magwithdraw mag-isa. Im telling you.

Buti nandito pa siya sa loob ng room. Si Isabelle kasi umuwi na. Yung other boys, ewan ko lang.

"Ah sige. Bibili rin ako ng tsinelas eh. Libre mo ba pamasahe?"

"Such a gentleman! Ikaw na manlibre." I said.

"Woh! Magwiwithdraw ka nga eh."

"Pag magwiwithdraw mayaman agad? Wag ka ng maarte. Ikaw manlilibre. That's final."

Hinila ko na siya palabas ng room at pumuntang metro. Nagwithdraw tas pumunta sa Havaiinas at hinayaan niya kong pilian siya ng tsinelas na gagamitin niya for tomorrow. Then nagdecide kaming magcoffee sa Starbucks. At take note, treat niya uli. Ang lakas ko sakanya. Heehee.

Sa di naman inaasahang panahon ay natanaw ko si Nathan. Sinigawan ko siya before pa siya makapasok sa loob ng Mall.

"O bakit magkasama kayo?" Asked Nathan.

Pake niya? Masamang tao ba si Clint para magtaka siya kung magkasama kami? Duuuh.

"Sinamahan ko lang siya bumili ng Slippers. Ikaw, what brought you here?"

"Bibili ako ng limang ream ng Bondpaper. Naubos na kasi. Mahirap naman kung wala kang supply di ba?"

Waaah! He's so thoughtful.

"Samahan mo ko pwede?"

Eh? Di niya ba nakikitang may kasama ko? Alangan namang iwan ko si Clint. In the first place, ako naman talaga yung nagpasama tapos iiwan ko siya.

"Okay lang ba Clint?" Said Nathan.

Tumingin ako sakanya and he nodded. So payag siya? Hmm.

"Balik ako dito ah. Hintayin mo ko."

Ayaw na ayaw ko talagang sinasabi yang word na yan. Masakit. Pero naiirita ko kay Nathan kaya sige. Pagbigyan ko na.

Tumayo ako at nag wave kay Clint. He just slightly raised his Right arm.

--

Clint's POV

Kiko's right. Mahirap nga pala talagang maiwan sa ere. Siya na nga yung nagpasama, ako pa ang iniwan.

Pero maghihintay ako.

Sabi niya wait lang eh.

Napakaepal lang nung Nathan na yun. Matagal ng mainit ang dugo ko sa lalaking yan. Natatandaan ko pa rin kung paano niya tinarantado yung grade ko sa PHP programming. Siya kasi nagrerecord ng grades. Pati attendance. Palibhasa, daig niya pa ang linta sa kakasipsip sa mga prof namin. Tas nakita ko yung grades namin, ang baba. As in kaming lima yung pinag-initan niya Like, 70% yung hands on exam namin kahit hindi naman. Inaabsentan niya rin kami minsan. Obvious na obvious siya. Certified Bitter Ocampo!

Just Another BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon