chapter 2

937 36 1
                                        


ALLEYAH (POV)


Humingi na ako ng tulong kay mayor, malyn at gagawan daw nya ng paraan."

Rinig kong sabi ni itay. Dahil nandito ako sa aking kwarto at nag bibihis dahil ngayon ang alis ko papunta sa Bahay ni mayor, para sa raket ko.

Lumabas ako sa aking kwarto ng matapos akong magbihis. Lumapit ako kina inay at itay na nasa maliit naming sala.

"Pupunta po ako sa bahay ni mayor ngayon itay. Dahil isa po ako sa mag seserve ng pagkain sa mga bisita nila. At makikiusap din po ako sa kanya kung may pagkakataon ako." Wika ko sa dalawang taong napaka importante sa akin.

"Maraming salamat anak, at mag-iingat ka rin doon at sa pag-uwi mo haa." Itay said.

Nginitian ko sila ng matamis at parihong hinalikan sa pisngi bago ako lumabas. malayo ang bahay ni mayor Mula dito sa amin. At ilang metro din ang layo ng mga kapitbahay dito sa amin. Pero sanay na rin naman ako, kahit liwanag lang ng buwan ang tanging nagbibigay ilaw sa dinadaan ko tuwing ginagabi ako ng uwi pag may raket ako.

Katulad ngayon, Gagabihin na naman ako nito sa pag-uwi. Dahil alas 7 ng gabi ang gagawing hapunan sa birthday ni Jessica. Ito ang nag iisang anak na babae ni mayor kaya subrang spoiled nito at masama rin ang ugali.

Dahil sa mga iniisip. Hindi ko namamalayan na nandito na pala ako sa labas ng bahay nila marimar. Naabutan ko itong naghihintay sa labas ng kawayang gate nila kasama si  maica.

"Tara na girl, malayo-layo pa ang lalakarin natin eh." Marimar said.

Nginitian ko sya at sumonod sa kanya ng magsimula na itong maglakad. "Hayst, sana naman makabingwit ako ng mayamang fafa ngayong Gabi."

Nagkatitigan kami ni maica at sabay umikot ang mga mata. Ayan na naman ang baklang 'to sa mga lalaking iyan. Hindi pa talaga ito natoto na ilang beses na itong nasuntok at pinirahan lang. Hindi kami umimik ni maica at hinayaan lang naming mag litanya si marimar.

Habang naglalakad, maraming nakatingin sa amin at lalo na sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang pero halos lahat kase ng kalalakihan dito sa amin ay nagpapalipad hangin sa akin. Hindi ko rin alam kong anong Nakita nila sa akin, dahil hamak na maglalako lang ako ng isda at tanging first year college lang ang natapos.

"Subrang ganda mo talaga ate ayah, na kahit ang nilalakaran mo ay gusto ng halikan ng mga kalalakihan." Maica said, napailing nalang ako at hindi na pinansin ang mga ng shismisan sa paligid.

Halos kalahating Oras din, bago Namin narating ang mansion nila mayor. Pinapasok agad kami ng guard ng sinabi ni marimar na kami ang kinuhang mga waitress.

Sinamahan kami ng isa sa taohan ni mayor papunta sa kusina at naabutan namin doon ang maraming tao na subrang busy.

"Oh, andyan na pala kayo. Nasa kwarto ko ang uniform na susuotin n'yo. Ikaw na ang bahala marimar at alam mo na din naman kung saan ang kwarto ko." Wika ni aling winna na syang mayordoma dito sa mansion ni mayor.

Pumasok kami sa kwartong sinasabi nito, at agad naming nakita ang uniform sa ibabaw ng kama.

Taray, parang nasa mamahaling restaurant ang uniform namin. Red polo shirt, and black pencil skirt. Ganito talaga ka bongga pag may handaan dito sa bahay ni mayor. Unang nag bihis si marimar sa banyo. Black slack ang partner ng red polo shirt nya. Si maica naman ang sumunod at panghuli ako

Sakto lang sa akin ang uniform namin, kaso nga lang hulma na hulma ang hubog ng katawan ko lalo na ang matambok kong pang-upo.

Paglabas ko ng banyo, nakatulala sa akin ang dalawa at bahagya pang nakanganga. Ang OA talaga ng dalawang to, Ngayon lang kase nila ako nakitang nakasuot ng fit, kase lahat ng sinuot ko ay puro maluluwag kaya hindi napapansin ang tunay na hubog ng katawan ko.

"Ikaw na talaga ayayang." Bulalas ni marimar kaya napailing ako.

"Tara na dahil, hindi tayo mga bisita dito." Wika ko sa dalawa at naunang lumabas, Sinabi na rin sa amin kung anong gagawin namin.

Nagsimula na ang party, kaya nag simula narin kaming mag serve. Hindi ko nalang pinapansin ang mga bisitang napapatitig sa akin at ang mga papuri nito.

Dalawang Oras na kaming nag seserve at masakit na rin ang paa ko dahil sa sapatos kong may two inches na takong. Pagkatapos kong mag serve sa huling lamesa na dinalahan ko ng pagkain. Tumayo muna ako sa gilid para magpahinga saglit. At habang nakatayo ako naramdaman kong may nakatitig sa akin. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ito, at ganun nalang ang paninigas ng aking katawan ng magtagpoan ng mga mata ko ang kulay abong mga mata nito na mariing nakatitig sa akin.

Kinakausap ito ni mayor, pero mukhang wala itong pakialam sa kausap dahil sa akin ito nakatingin. Iniwas ko ang aking mga mata at yumuko nalang para tingnan ang aking paa.

"Siguradong may paltos ako sa paa." Bulalas ko at nagulat nalang ako ng may humintong black leader shoes, sa harap ko. Nag angat ako ng ulo at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko dahil ang kaning lalaking nakatitig sa akin ay nasa harap ko na.

"Sei Mio."

Hindi ko naiintindihan ang sinabi nito, ang alam ko lang nakakatakot ang awrang dala nito.


_____&




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰










"THE DEVIL'S HEART"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon