chapter 3

787 30 7
                                    



ALLEYAH (POV)



Nagising ako sa masarap kong tulog dahil sa maraming boses ang naririnig. Agad akong bumangon at lumabas para mag hilamos sa kusina. Alas dose na ako makauwi kagabi. Hindi pa tapos ang party pero nauna na akong umuwi dahil hindi ako mapapalagay, dahil kahit anong iwas ko palagi ko paring nakikita ang lalaking may abong mga mata na nakatitig sa akin.

"Parang awa mo na mister Montefalco.! Wag mong kunin sa amin ang lupaing ito, malaki na ang nabayad naming buwis dito."!

Napatigil ako sa paghihilamos at agad tumakbo sa labas. Natulala ako dahil sa mga kalalakihang sinimulang e demolished ang kawayang gate Namin. Tumakbo ako sa kanila at pinigilan sila sa pag giba ng gate Namin. At hindi ko rin namamalayan na umiiyak na pala ako.

"Wag maawa kayo wag nyong gawin to.!!! Malakas na sigaw ko. Pero hindi man lang sila nakinig. Nakita ko si Montefalco na nakasandal sa kanyang kotse at nasa harapan nito ang mga magulang ko na nag mamakaawa. Hindi ito nakatingin kina inay at itay dahil sa akin na naman ito nakatitig.

Lumapit ako sa kanila, at kahit labag man sa aking kalooban ang gagawin, pero wala na akong ibang naisip pa. Lumuhod ako sa harapan ni mister Montefalco para magmakaawa.

"Please, parang awa mo na, may malubhang sakit ang inay ko. Wala na kaming mapupuntahan pa, kaya please lang mister Montefalco wag ang lupa namin please. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo,! Basta wag mo lang kunin ang lupa namin.!" Pagmamakaawa ko dito habang umiiyak. Kahit nakakababa man ng sarili, Wala akong pakialam basta para kina inay at itay.

"Really, I can do worse woman."! Malamig na wika nito, kaya inangat ko ang aking ulo kaya nagka salubong ang mga mata namin.

"Kahit ano mister Montefalco, Basta tigilan mo na ang lupa namin at utusan mo ang mga taohan mo na tigilan ang ginagawa nilang pag demolished." Sabi ko dito, habang tigmak ng luha ang mukha.

"Stop.!

Hindi ko alam kung ako ba ang sinabihan nito o ang mga taohan nya, Dahil sa akin ito nakatitig.

"Bring this woman to my car.!

Nagulat ako ng may humawak sa magkabilang braso ko at kinaladkad ako papasok sa itim na kotse na sinasandalan ni mister Montefalco kanina.

"Wag, anak wag mong g-awin to. Alleyah please, marami pang paraan."

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni itay at sa kalagayan namin ngayon. Ipapasok na sana nila ako sa loob pero pinigilan ko sila. Nakatingin sa akin si mister Montefalco na nakaupo na sa backseat.

"Please, sandali lang. Kakausapin ko lang sila." Pakiusap ko dito, walang mababakas na emosyon sa mga mata nito, at sin lamig din ito ng yelo kung tumingin. Hindi ko na hinintay ang Sasabihin nito at nanakbo na ako para yakapin si itay at inay.

"Babalik po ako pangako. Magpa galing po kayo inay ha,! Kailangan pag uwi ko magaling na kayo." Umiiyak na wika ko. Humagulhol silang dalawa at sabay akong niyakap. "Para sa atin po ang gagawin kong ito inay at itay." Humihikbik wika ko at napahiwalay ako sa kanila ng may humablot sa beywang ko.

"No more drama, because my time is gold.! He said at binuhat ako na isang kamay lang ang gamit. Pabalya ako nitong binaba sa backseat, at lilingonin ko pa sana sina inay at itay. Ngunit nandilim ang paningin ko ng may itim na piring ang tumakip sa mga mata ko.

"Let's go Samson.!

Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Kaya mas lalo akong napaiyak.

"Nangangako ka bang hindi mo na pakikialaman ang lupa namin at ang mga magulang ko." Mahinang wika ko kahit wala akong makita dahil sa blindfold sa aking mga mata. Wala akong narinig na sagot mula sa katabi, kaya nagsalita ulit ako.

"Papatayin mo ba ako,? Ibibinta mo ba ang mga organs ko.? Wala parin akong sagot na nakuha dito kaya nanahimik nalang ako.

"Nagawa mo na ba ang utos ko Samson."!

Napapitlag ako at napadikit sa pinaka gilid ng kotse dahil sa sinabi nito. Mag iisip na sana ako ng kung ano-ano, na baka pinahanda na nito ang pag turturan sa akin. Mabuti nalang ay sumagot agad ang tinawag nitong Samson.

"Yes lord, tanging pirma nalang po ninyo ang kailangan." Samson said.

Saan ba galing ang mga taong ito, bakit napaka seryuso ng mga ito at sinlamig din ng yelo kong magsalita at tumingin.

Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako habang nasa byahe. Basta naramdaman ko nalang na parang nasa himpapawid kami.



_____&



















"THE DEVIL'S HEART"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon