ALLEYAH (POV)
Alas singko palang ng umaga ay gising na ako. Babangon na sana ako sa kama, kaso naramdaman ko ang pangangatal ng labi ko. Kumunot din ang noo ko dahil subrang basa nito na parang galing lang sa halikan. Tragesss baka may engkanto dito.!! Napailing nalang ako at agad bumangon. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil ang katabing unan ng unan ko ay may bakas na parang may gumagamit nito. Kinuha ko ang unan para amoyin at nanigas ako dahil pamilyar ang amo'y nito.
Amo'y ni lord Franco, Teka baka kwarto nya 'to dati. Pero imposible dahil kulay pambabae ang kwartong ito. Or baka guni-guni ko lang. Ayy iwan.!
May kumatok sa pinto ng kwarto ko, kaya agad akong naglakad para buksan ito. Tumambad sa akin ang bakulaw na nakatulala sa akin.
"Ano!? Bakulaw."! Taas kilay na tanong ko dito. Mukhang bumalik Naman ito sa sarili dahil tumikhim ito at agad umiwas.
"Your so ugly woman."! Saad nito sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay, at kunti nalang ay makakatikim na ito sa akin, dahil sa pang pang-aasar nito.
"Akala ko ba gabi lang lumalabas ang mga bakulaw,! Pati pala umaga."! Ganting pang-aasar ko dito.
Sinamaan ako nito ng tingin kaya nginisihan ko ito.
"Mag ayos kana babae dahil ihahatid kita sa hacienda ni lord Franco."! Saad ni bakulaw. Nagningning ang mga mata ko dahil makakaalis na ako sa nakakatakot na bahay na'to.
Agad kong sinarado ang pinto kahit Hindi pa nakakaalis si bakulaw. Baka kase mag bago ang isip ni lord Franco. Agad akong pumasok sa banyo para maligo at mag toothbrush.
Ilang minuto lang at agad akong natapos. Kumuha ako ng maisusuot sa closets dahil wala naman akong masusuot kung hindi ako kukuha dito. Kumuha ako ng kulay blue na pantalon at itim na t-shirt. Lahat kase ng damit dito ay puro pantulog, pantalon at t-shirt lang. Agad akong nag bihis pagkatapos ay sinuklay ko ang aking buhok. Hindi ko na kailangan ng kolorete sa mukha, dahil sadyang mamula-mula na ang pisngi ko at subrang pula din ng labi ko.
Paglabas ko sa kwarto ay halos mapatili ako dahil sa taong naghihintay dito.
"M-magandang a-araw po l-lord F-franco."! Nauutal na bati ko sa kanya. Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa akin ng mariin, kaya agad akong yumuko. Bakit ba ganyan sya makatitig.? Tanong ko sa sarili,
"Let's go"! He coldly said, at naunang maglakad. Agad akong sumunod sa kanya dahil baka magalit na naman ito.
Akala ko ay sa garahe na kami didretso. Ngunit nagtaka ako dahil hindi palabas ng bahay ang tinatahak namin. Gusto ko mang mag tanong ngunit pinigilan ko ang sarili dahil baka bugahan ako ng apoy ni lord Franco.
"You should eat breakfast first before we go." Malamig na saad nito. Natulala nalang ako sa likod nito, dahil paano nya nalaman ang iniisip ko.
Pumasok kami sa isang pinto at bumungad sa akin ang marangyang dinning room. Kasya yata dito ang sampong pamilya o higit pa dahil sa laki nito. May nakahanda ring masasarap na pagkain sa mesa kaya agad nanubig ang bagang ko. Hindi kase ako nakakain ng hapunan kagabi Doon sa club dahil sa subrang takot.
"Set down! And eat." Halos kapusin ako ng hininga dahil sa kalamigan ng boses nito. Nakakatakot din itong tumingin dahil sa mga mata nitong walang ka buhay buhay.
"Kakain kaba o kakainin kita." Nakangising saad nito sa akin kaya agad akong napaupo sa hinila nitong upoan para sa akin. Anong ibig sabihin nyang kakainin nya ako. Aswang ba ang taong yelo na'to.? Tanong ko sa isip.
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag upo nito sa tapat ko. Hindi ako kumilos dahil nakakahiyang hawakan ang kutsarang alam ko ay subrang mahal dahil antigo pa ito.
"Eat woman." Malamig na saad ni lord Franco kaya agad akong kumilos dahil sa kaba.
Kumuha ako ng kunting kanin, ham at hotdog. Susubo na sana ako, ngunit nagulat nalang ako ng tumayo si Lord Franco at nilagyan ang plano ko ng maraming kanin at ulam. Napakurap ako ng maraming beses bago tumingala sa kanya. At ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko dahil nagtama ang mga ilong namin dahil nakayuko ito sa akin. Ng mataohan ako ay iiwas na sana ako ng tingin ngunit hindi ako nakakilos ng kabigin nito ang mukha ko at agad pinagtagpo ang aming mga labi.
Gumalaw ang mga labi ni sa labi ko. Napapikit nalang ako dahil pamilyar ang hagod ng labi nito sa akin. Feeling ko natikman ko na ang halik nito. Ngunit hindi ko alam kong kailan dahil sa pagkakaalam ko ay unang halik ko palang ito. Minulat ko ang aking mga mata at agad tinulak si Lord Franco.
"W-wala kang k-karapatan na halikan ako." Naiiyak kong saad sa kanya. Ngunit nginisihan lang ako nito ng nakakaloko.
"You are mine caríno! At hindi na mag babago 'yon." Seryusong saad nito.
______&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE DEVIL'S HEART"
Romantizmhe's a devil. lahat takot sa kanya dahil sa walang awa syang pumapatay. Kilala sya bilang Isang number one mafia lord sa buong bansa. Nakilala sya dahil sa mga gawain nyang illegal at bayarang mamatay tao, na kahit ang goberno ay hindi sya kayang hu...