ALLEYAH (POV)
Pagdating namin sa bahay laking gulat ko nalang dahil biglang sinampal ni lord Franco si ma'am Kira at sinakal.
Lahat din ng mga kalalakihan na nag dala sa akin sa club ay napaatras ng balingan sila ng masamang tingin ni lord Franco.
"Anong karapatan mo para makialam sa utos ko. Wala akong sinabing dalhin mo sya sa club." Pati ako ay namutla dahil sa nakakatakot na boses nito.
"At sa pagkakaalala ko si Samson ang inatasan ko na turuan si alleyah sa mga gagawin nya at hindi ikaw." Dugtong ni lord Franco, at pabalyang binitawan si ma'am Kira. Ilang beses itong umubo at hinabol ang hininga.
"Leave woman dahil baka mandilim ang paningin ko at mawalan ka ng buhay ngayon mismo." Dagdag ni lord Franco at iniwan kami.
Napasiksik ako sa gilid ng balingan ako ng masamang tingin ni ma'am Kira.
"May Araw ka rin sa akin bitch."! Singhal nito sa akin at agad tumayo para umalis.
"Your lucky woman.! Saad ng nagngagalang Samson.
"Follow me." Dugtong nito at nagpatiunang mag lakad. Hindi pa sana ako susunod sa kanya kaso Nakita ko ang nakakatakot na mga tingin ng mga kalalakihang nag hatid sa akin sa club, kaya halos madapa na ako sa pagsunod kay Samson.
Nakasunod lang ako sa kanya at habang naglalakad ay subrang na mamangha ako sa mga antigong bagay na nadadaanan namin. Lahat yata ng mga gamit ni lord Franco ay katumbas na ng buhay ko ang halaga. Napakalaki din ng mansion nito na halos Isang daang tao ang pwedeng tumira.
"This is your room woman."
"Ay butiki."!! Napatili ako ng malakas ng biglang huminto si Samson kaya sumalpok ako sa matigas nyang likod.
"Wag tatanga tanga babae. Lalo na't hindi ka naman maganda."!
Napakurap ako ng isangdaang beses dahil sa sinabi nito. At ng mataohan ako agad ko itong tinaasan ng kilay.
"Nang iinsulto kaba bakulaw.! Alam mo bang simula ng pinanganak ako Ikaw pa lang ang nag sabi sa akin na hindi ako maganda haa."! Singhal ko sa kanya. Ngunit tinaasan lang din ako nito ng kilay.
"Saan banda."? Saad nito. Gusto ko itong sikmuraan dahil sa pang iinsulto nito. At ng may mapansin ako sa kanya, agad akong natawa. Bakla ba ang Isang 'to.
"Pumasok kana babae, sa asta mo ngayon parang hindi ka natakot kanina ah."! Taas kilay na saad nito.
Mabuti nalang at pinaalala nito ang takot ko. Kaya walang sabi sabing pumasok ako sa kwartong pinaghatiran nito sa akin. Agad kong sinarado ang pinto at nilock. Dahil baka anong gawin pa sa akin ng bakulaw na 'yon.
Nilibot ko ang aking paningin at natawa ng mapakla. Hindi ko kailangan ang ganito ka rangyang kwarto. Dahil ang kailangan ko ngayon ay si inay at itay lang.
Tumayo ako at binuksan ang isang pinto. Kailangan kong maligo dahil subrang lagkit ko na. At para mabawasan din ang duming dumikit sa akin dahil sa pagdikit ko sa mga taong mga halang ang kaluluwa kanina.
Pagbukas ko ng pinto ay ang marangyang banyo na naman ang sumalubong sa akin. Sinarado ko ang pinto at agad hinubad lahat ng saplot sa katawan ko.
Binuksan ko ang shower at agad tumapat dito. At kasabay ng pag agos ng tubig sa katawan ko ay ang pag agos din ng mga luha ko. Subrang lupit ng tadhana sa akin para ilagay ako sa ganitong sitwasyon. At kung sakali mang tumakas ako dito ay ang paghihirap naman ni itay at inay ang magpapadusa sa akin. Kaya kailangan kong tanggapin ang lupit ng tadhana sa akin.
Kinuskos kong mabuti ang buong katawan ko pagkatapos kong magsabon. At dahil pagod din ako ay agad kong tinapos ang pagligo. Lumabas ako sa banyo na nakatapis lang. May nakita akong Isa pang pinto kaya lumapit ako dito para maghanap ng masusuot. Nagulat pa ako dahil puno ito ng mga damit pambabae. Meron ding mga sandals at mga bags. Kaninong kwarto ba 'to.?
Kahit hindi ko alam kong kaninong kwarto ito, ay kumuha parin ako ng Isang pares na pang tulog at underwear. May mga tags pa lahat ng gamit dito sa closet na parang kabibili lang, at ka size ko rin lahat dito. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagbibihis.
Pagkatapos kong magbihis ay bumalik ako sa Cr para isampay ang towalyang ginamit ko. Ng makalabas ako ay agad akong naghanap ng suklay para madaling matuyo ang buhok ko. May nakita naman ako sa vanity mirror. Kinuha ko ito at umupo sa kama. Sinimulan kong suklayin ang buhok ko. At habang nagsusuklay ramdam na ramdam ko na ang pamimigat ng talukap ko kaya humiga ako sa kama na walang sa ayos ang posisyon. Agad akong nilamon ng antok. Ngunit bago tuluyang lumalim ang tulog ko ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Your so beautiful caríno."!
Hindi ko alam kong nanaginip lang ba Ako. Dahil sa basang bagay na dumampi sa labi ko. Dampi lang ito ng una ngunit naging marahas ito at ramdam ko rin ang pagpasok ng makulit na dila nito sa loob ng bibig ko.
_____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

BINABASA MO ANG
"THE DEVIL'S HEART"
Romantizmhe's a devil. lahat takot sa kanya dahil sa walang awa syang pumapatay. Kilala sya bilang Isang number one mafia lord sa buong bansa. Nakilala sya dahil sa mga gawain nyang illegal at bayarang mamatay tao, na kahit ang goberno ay hindi sya kayang hu...