part 9

696 28 4
                                    

ALLEYAH (POV)

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng hinatid ako dito ni lord Franco. At Simula ng araw na 'yon ay hindi ko na ulit ito nakita. Tanging kami lang tatlo dito ng dalawang matanda na si tatang karding at nanang Lorna.

Hindi ako nakakaramdam ng takot dito kahit napakalayo namin sa kabihasnan. Hindi ko alam kong saang parte ng pilipinas ang hacienda ni lord Franco ang alam ko lang ay subrang lawak nito at sa tingin ko'y Wala ding ibang tao ang napapadpad dito dahil nga sa subrang layo. Paano ko nalaman.? Umalis kase si nanang Lorna at tatang karding para mamili ng mga kailangan namin dito sa bahay. Umaga palang sila umalis sakay ng Hilux ni lord Franco at hapon na sila nakabalik.

Mas mabuti din ang kalagayan ko dito kay'sa Doon sa mansion ni lord Franco. Ngunit labis na ang aking pangungulila sa mga magulang ko. Gustong-gusto ko na silang makita, ngunit hindi ko alam kong paano.

"Kumain kapa star at ng hindi ka pumayat. Baka ako pa ang sisihin ng amo mo kapag pumayat ka."! Kausap ka sa baporito daw'ng kabayo ni lord Franco na si star.

"Magpahinga ka muna ma'am Alleyah. Ako na muna ang bahala d'yan kay star."

Napalingon ako kay tatang karding at nginitian sya ng matamis. Ngunit nawala ang ngiti ko ng matulala ito sa akin.

"Ayos lang po ba kayo tatang."? Nagugulohang tanong ko sa matanda. Palagi nalang kase silang natutulala sa akin eh kapag ngumiti ako.

"H-uh,? Ah oo ayos lang Ako ma'am." Tatang said.

"Okay lang po ako tatang, nababawasan din kase ang lungkot ko kapag inaalagan ko ang mga alagang hayop at tyaka tatang wag n'yo po akong tawaging ma'am, dahil pariho lang po tayong trabahante dito." Nakangiting saad ko.

Hindi ko alam kong bakit agad itong umiwas sa akin ng ngumiti ulit ako.

"Sige maiwan na muna kita iha." Saad nito at agad umalis. Napailing nalang ako at binalik ang atensyon sa kabayo.

Araw-araw ganito ang trabaho ko dito. Ang tumulong kay tatang na magpakain ng mga hayop. Katulad ng kabayo, baboy, baka at mga manok. Hindi naman mahirap dahil nag eenjoy naman ako.

Ngunit simula ng dumating ako dito ay may mga pangyayari at alaalang pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung kaninong mga alaala 'yon. Imposible namang akin dahil hindi naman ako nagka amnesia.

"Sssssh~ sssssh~"

Napahinto ako sa paglalagay ng dayami sa kwadra ni star ng makarinig ako na parang may sumisitsit.

"Ssssash~ sssssh~ sssssh~"

Nanigas ang buong katawan ko ng makita ang napakalaking ahas papasok sa kwadra. Bigla nalang humalinghing ng malakas si star at nagwala.

Nataohan lang ako ng tumalon ito ng malakas palabas ng kwadra nya.

"O my g-god.!! Star bumalik ka ditoooo.!!! Dyos ko po ayaw kong bawian ng buhay dahil lang sayong kabayo kaaa."!!!!

Agad kong pinunasan ang aking luha ng magsimula itong mahulog. Mahal na mahal daw ni lord Franco ang kabayong 'yon dahil regalo daw ito ng napaka importanteng tao sa kanya.

Hindi na ako nag atubili pa at agad itong hinabol. Nakikita ko pa ito dahil hindi pa naman ito nakapasok sa kagubatan. Katapusan ko na talaga kapag nawala kang kabayo ka.!

Habang hinahabol si star, Wala ding puas ang pagtulo ng mga luha ko. Mas binilisan ko pa nag takbo ng makita kong papasok na ito sa kagubatan.

"Panginoon ko,! Wag n'yo po'ng pabayaan si star." Piping panalangin ko.

Naramdaman kong may pumatak na basang bagay sa mukha ko at ibang parte ng katawan ko. Mas lalo akong naiyak ng malaman kong umuulan Pala. Ilang beses na akong nadapa ngunit hindi parin ako sumusuko lalo na't nakapasok na ng tuluyan si star sa kagubatan.

Hindi ko na iniinda ang hapdi sa aking tuhod at ginaw dahil subrang basa ko na. Ang importante sa akin ay maibalik ko si star sa kwadra n'ya.

"Star!!!!! Saan kana.!!! Come here please."!!!!! Hindi ko mapigilang humagulhol dahil nag aagaw na ang dilim at liwanag. Nakakatakot pa Naman ang kagubatang ito dahil sinabi ni tatang sa akin na wag na wag daw akong pupunta dito. Dahil marami daw'ng mga mababangis na hayop ang gumagala dito kapag Gabi. Kung hindi ako ang lalapain nila ay wala ng iba kundi si star. Dibali nang ako ang kainin ng mga mababangis na mga hayop dito kay'sa kay star. Papatayin din naman ako ni Lord Franco kung nagkaganun.

Tumigil ako sa pagtakbo dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. Para na rin akong basang sisiw na naglalakad at hinahanap ang aking Ina.

Alam kong alas singko palang ng hapon, ngunit subrang dilim na dito sa loob ng gubat.

Huminto muna ako sandali para pakinggan ang kalikasan, sa pagbabakasakaling marinig ko ang halinghing ni star.

Ngunit wala pa mang minuto akong nakikinig, ng bigla akong mapapiksi ng makarinig ng malakas na kaluskos. Ito naba ang sinasabi ni tatang na mga mababangis na hayop. Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad kumaripas ng takbo.

_____&






Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰



"THE DEVIL'S HEART"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon