ALLEYAH (POV)
Agad akong napalayo kay lord Franco ng bigla nalang may kumatok sa labas ng pinto kung saan kami ngayon.
"Lord Franco! Your ninong wants to talk to you." Saad ng lalaking nasa labas ng pinto.
"Just stay here and wait for me." Lord Franco said at hinalikan ako sa noo bago lumabas.
Nang ako nalang mag-isa dito sa kwarto ay napabuntong hininga nalang ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Gusto kong umalis dito at bumalik kina inay at itay. Dahil iyon Naman dapat. Pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin na wag umalis dito at wag iwan si lord Franco.
Umupo ako sa aking kama at pinunasan ang aking mga luha. Kailangan kong pigilan ang aking sarili o mas tamang sabihin na kailangan kong kalimutan ang nabubuong puwang ni lord Franco sa puso ko. Dahil kung hindi kapakanan ng mga magulang ko ang malalagay sa alanganin.
Napahikab ako ng bigla akong dalawin ng antok. Kaya agad akong humiga sa kama at pinikit ang aking mga mata. Mag aalas 10 pa lang ng umaga. Dahil siguro ito sa pagod kahapon at kagabi kaya maaga akong dinalaw ng antok.
Ilang sandali lang ay agad akong nilamon ng antok. Nagising lang ako dahil sa malakas na katok sa pinto ng kwartong inaakupa ko.
Kinusot ko muna ang aking mga mata bago bumangon. Tumingin ako sa wall clock at mag aalas 4 na pala ng hapon. My god! ang haba pala ng naging tulog ko.
Agad akong lumapit sa pinto para buksan ito. At pagka bukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong agad ang malakas na sampal ni ma'am Kira sa akin. Kaya tumabingi ang mukha ko.
"Pinaka ayaw ko sa lahat ay pag hintayin ako slut. Kumilos kana! Dahil ihahatid ka ng Isang taohan ni don Lucio pabalik sa pinanggalingan mo."!!
Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha. At kahit paman may kirot na nararamdaman sa aking puso ay agad akong sumunod kay ma'am Kira ng magsimula itong maglakad.
Masaya ako dahil makakauwi na ako sa bahay namin. Ngunit hindi ko alam kung bakit nangingibabaw ang takot at kabang kumakain ngayon sa buong sistema ko. Lalo pa't nakita ko ang nakakatakot na ngisi ni ma'am Kira kanina bago ito naglakad.
Pagdating namin sa parking lot ay marahas akong hinawakan ng Isang lalaki at pabalyang pinasok sa loob ng kotse. Nagpupumiglas pa sana ako ngunit agad itong pumasok at tinutukan ako ng baril. Kaya nanigas ako sa aking kinauupuan.
"Wag ka nalang kumilos babae.! Dahil mapapaaga ang pagtapos ko sayo kapag naubos ang pasensya ko."
Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao dahil tama ang kutob ko kanina. Na may mangyayari masama sa akin.
Agad nitong pinaharurot ang kotse. Kaya ang tangi kong nagawa ay panatiliing kalmado ang sarili para makahanap ng paraan kung paano makakatakas sa lalaking ito.
"Alam mo bang napaka swerte ko ngayon. Dahil ako ang naatasan na tapusin ka huh. Maswerte ako dahil bago kita tapusin pagsasawaan ko Muna ang katawan mo hmm." He said at dinilaan ang labi nya.
Mas lalo akong kinain ng takot at ramdam ko narin ang panginginig ng kalamnan ko. Sinubukan kong buksan ang pinto sa gilid ko. Ngunit naka lock ito kaya pinanghinaan ako ng loob.
Napatingin ako sa lalaki at kitang-kita ko ang nakakatakot na ngisi nito. Kaya dahil sa takot ay hinawakan ko ang manobela kaya gumiwang ang kotse na sinasakyan namin.
"Bweseet kang babae kaa!! Shitt! Bitaw putaaa kaaa."!!
Hindi ko sinunod ang gusto nito kaya huli ko nang nakita ang tenwheeler na masasalubong namin. Kinabig ko ang manobela pa kanan ganun din ang ginawa ng lalaki. Para sana e iwas ang kotse. Ngunit huli na ang lahat dahil tumama na ito sa kasalubong naming sasakyan.
Malakas na tumama ang ulo ko sa dashboard. Kaya Napangiti ako ng mapait ng pumasok sa isip ko ang mukha ni inay at itay. "Mukhang ito na po ang katapusan ko inay at itay." Bulalas ko bago nandilim ang paningin ko.
____&&&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE DEVIL'S HEART"
Romancehe's a devil. lahat takot sa kanya dahil sa walang awa syang pumapatay. Kilala sya bilang Isang number one mafia lord sa buong bansa. Nakilala sya dahil sa mga gawain nyang illegal at bayarang mamatay tao, na kahit ang goberno ay hindi sya kayang hu...