ALLEYAH (POV)
Tama nga ang hinala ko kanina na nakasakay kami sa sasakyan pang himpapawid, dahil naramdaman ko ang pag lapag nito sa lupa. Hindi parin tinatangal ni Montefalco ang blindfold sa mga mata ko kaya hindi ko alam kung nasaan na kami.
Bigla nalang may bumuhat sa akin kaya nag pumiglas ako. Kung hindi lang ito huminto at sininghalan ako hindi pa sana ako titigil.
"Fucking behave woman!!
Napasiksik ako sa may dibdib nito dahil, feeling ko itatapon ako nito kapag hindi pa ako titigil. Nagsimula na ulit itong maglakad, kaya nanahimik nalang ako.
Naramdaman ko ulit ang paglapag nito sa akin at mukhang nasa kotse na Naman kami. Umandar ang sasakyan at hindi ko alam kong saan talaga kami pupunta.
Kanina pa nangangati ang dila ko dahil gustong-gusto ko na talaga mag tanong. Pero natatakot ako na baka mapatid na ang pasinsya nito at itapon na talaga ako sa labas.
Ilang minuto lang at huminto na ang sinasakyan naming kotse. Hindi ako gumalaw at naramdaman ko lang na may bumuhat na naman sa akin. Tatanggalin ko na sana ang blindfold ko, pero hindi ko natuloy dahil sa nakakanginig laman, na banta nito.
"Don't fucking try to remove that blindfold woman. Or I'd fucking cut your throat."!
Halos panawan ako ng ulirat sa banta nito, at pati yata paghinga ko hindi ko na ginawa.
Naramdaman kong nilapag ako nito sa malambot na upoan, at ramdam ko rin ang pagtabi nito sa akin. May pinahawak ito sa akin na matigas na bagay at sa tantsa ko ay ballpen ito.
"Sign this paper." Malamig na wika nito at inalalayan ang kamay ko na pumirma. Nag matigas ako at iniwas ang kamay sa kanya, no! hindi pwede dahil baka tungkol ito sa lupa namin. Mukhang nabasa yata nito ang nasa isip ko dahil nagsalita ito ulit.
"May isang salita ako, at hindi ito tungkol sa lupa n'yo."!
Napahinto ako sa pagpupumiglas dahil sa sinabi nito. Halata sa boses nito ang kaseryosuhan at totoo sa sinasabi. Ng hawakan ulit nito ang kamay ko hindi na ako nag pumiglas at pumirma nalang kahit hindi ko nakikita ang pinipirmahan ko. Natapos ako sa pagpirma at hindi na umimik pa.
"You are now my slave woman, at lahat ng gusto ko ay susondin mo. You should obey me or else, buhay ng mga magulang mo ang kapalit."
Tumulo na naman ang mga luha ko ng maalala si inay at itay. Anong mangyayari sa kanila gayong wala na ako sa poder nila. Paano ang mga gamot ni inay, paano na sila ni itay. Hindi ko napigilan ang humagulhol dahil sa nangyayari sa buhay namin.
"Stop fucking crying.!! Malakas na singhal nito sa akin. Tinakpan ko nalang ang aking bibig para pigilan ang paghikbi. Kinuha nito ang aking kamay at may sinuot na malamig na bagay sa aking palasingsingan. napahinto ako sa pag-iyak at dinama ang bagay na sinuot nito. It's a ring. Hindi ko ito makita dahil sa blindfold ko, pero alam kong sing-sing ito.
"Don't you dare remove that ring. Dahil buhay mo ang kapalit pag ginawa mo'yon.! Malamig na wika nito at inalis ang blindfold ko. Nasilaw ako sa liwanag ng mawala ang blindfold sa mga mata ko, kaya kinurap ko muna ng ilang beses ang mga mata ko. At ng masanay na ito sa liwanag, nagulantang ako sa nakita dahil maraming mga kalalakihan na naka suit sa paligid ko. A-t a-t m-ay mga h-awak na b-aril.
"Turuan nyo sya kung anong gagawin nya." Malamig na wika ng lalaking gray eyes at iniwan ako.
Gusto kong sumama sa kanya, dahil nakakatakot ang mga kalalakihan na nakapalibot sa akin. Ngunit nawala ang takot ko ng may babaeng lumapit sa akin.
Pero nagkamali ako ng akala, dahil bigla nalang nitong sinabunotan ang buhok ko at pinatingala sa kanya. Kita ko sa mga mata nito ang poot at galit.
"Ilang taon na akong nagsisilbi kay lord Franco, pero bakit ikaw pa pwede namang ako.!!!
Tumabingi ang mukha ko ng sampalin ako nito. Anong nagawa ko sa babaeng ito.
"Kira anong ginagawa mo.! Gusto mo bang magalit si master sayo.! Wika nong Samson ang pangalan.
"Wala akong pakialam Samson. Dalhin n'yo na yan sa club, kung saan 'yan nababagay." The woman said at umalis.
"A-nong c-lub.? Bulalas ko.
_____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
![](https://img.wattpad.com/cover/337007453-288-k649.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE DEVIL'S HEART"
Romanshe's a devil. lahat takot sa kanya dahil sa walang awa syang pumapatay. Kilala sya bilang Isang number one mafia lord sa buong bansa. Nakilala sya dahil sa mga gawain nyang illegal at bayarang mamatay tao, na kahit ang goberno ay hindi sya kayang hu...