ALLEYAH (POV)
Kailangan kong makatakas dito, dahil kung hindi baka totohanin ng matandang 'yon ang sinabi nya. At pati si inay at itay ay madamay pa.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, dahil sinabi sa akin ni lord Franco na hindi ako lalabas dito kapag hindi nya sinabi.
Hindi ko alam kong nakaalis naba ang ninong ni Lord Franco a-at at ang f-fiancee n'ya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkirot nito. Naramdaman ko rin ang basang bagay na bigla nalang nahulog sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan at tumingin sa kawalan.
May nararamdaman naba ako kay lord Franco.? Tanong ko sa sarili ko.
Dyos ko sana mali ang nararamdaman ko. Alam kong hindi napipigilan ang puso, pero sana naman wag sa maling tao. Ayaw kong makasira ng relasyon kaya ngayon pa lang iiwas na ako.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya agad akong lumapit dito para buksan dahil baka si nanang Lorna ito.
Pagbukas ko ng pinto ay nanigas ang buong katawan ko sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito, at mas lalo akong nanigas dahil sa galit na namumutawi sa mga mata nito.
"M-may k-kailangan po b-ba k-kayo s-sir."? Nauutal na tanong ko dito dahil sa takot.
Pabalya nitong tinulak ang pinto kaya muntik na akong mabuwal dahil tumama ito sa akin. Mabuti nalang at nakahawak parin ako sa door knob.
"Ilang beses ka pabang mawawala sa mundong ito hmm.! Para tigilan mo si Franco.? Binaril na kita sa ulo noon pero buhay ka parin hanggang ngayon.! Ilang buhay ba meron ka haaa."!!
Napaatras ako dahil sa lakas ng sigaw nito. At hindi ko rin alam ang mga sinasabi nito.
"H-hindi ko po n-naiintindihan ang s-sinasabi nyo sir."? Sagot ko dito. Ngunit tumabingi ang mukha ko ng sinampal ako nito ng malakas.
"Mag mamaang maangan kapa haa.! Ipapahatid kita sa mga taohan ko kung saan ka galing.! Dahil kung hindi Buhay mo ang kapalit pati narin ng mga taong umampon sayo."!! Malakas na sigaw nito sa akin.
Hindi ko mapigilang manginig dahil sa takot. Hindi ko rin alam kung bakit ganito kalaki ang galit nito sa akin.
"O-opo sir.! G-gusto ko rin n-naman po'ng u-umuwi eh." Nauutal na sagot ko dito. Ngunit mas lalo akong nanginig ng ngumisi ito sa akin ng nakakatakot.
"Good! Maghintay ka lang dito dahil papupuntahin ko dito mamaya ang taohan ko para mag hatid sayo. At ito ang tatandaan mo wag na wag mong ipapaalam kay Franco na ipapahatid kita mamaya."
Tumango nalang ako dito dahil sa takot. At ramdam ko rin na may iba itong binabalak dahil sa nakakatakot na ngising nakapaskil sa mga labi nito.
Tumalikod ito ng walang pasabi at pabalyang sinarado ang pinto. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakalaki ng galit nito sa akin. Samantalang kanina pa lang naman kami nag kita.
Napabuntong hininga nalang ako at pabagsak na umupo sa kama. Pinikit ko ang aking mga mata ng mangilid ang mga luha ko. Oo inaamin kong galit ako kay lord Franco dahil sa ginawa nyang pag kuha sa akin kina inay at itay. Ngunit kahit hindi ko man aminin sa sarili ko alam kong may puwang na ito sa puso ko. Lalo na't may nangyari sa amin.
Agad kong minulat ang mga mata ko dahil bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko.
Agad akong napatayo ng tuwid dahil sa lalaking pumasok at subrang sama ng awrang dala. Naglakad ito palapit sa akin, at halatang galit ito dahil sa mga kamao nitong nakakuyom ng mahigpit.
"What did he tell you."? Malamig at walang emosyong tanong nito sa akin.
Umiwas ako ng tingin, dahil alam kong mahahalata nito kapag nagsinungaling ako.
"A-ah, w-wala po L-lord F-franco. S-sinabihan nya lang po ako nag wag l-lumapit sayo." Hindi ko mapigilang mautal dahil sa pagsisinungaling.
"A little liar huh."! Saad nito sa akin kaya kinagat ko ang aking pang iibang labi, para maibsan ang kabang nararamdaman. Lalo pa't naglakad ito palapit sa akin. Agad yumapos ang mga braso nito sa beywang ko, at lumapit sa may bandang tenga ko at bumulong.
"Tell me caríno,! Who is your boss."? Tanong nito sa akin, kasabay ng pag dila nito sa tenga ko.
Agad kong naramdaman ang pag gapang ng init sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ipikto ng mga haplos nito sa buong katawan ko at sa buong pagkatao ko.
"You fucking smell divine caríno." Bulong ulit nito sa akin at sumubsob sa leeg ko.
___& don't forget to vote readers 😊❤️
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

BINABASA MO ANG
"THE DEVIL'S HEART"
Romancehe's a devil. lahat takot sa kanya dahil sa walang awa syang pumapatay. Kilala sya bilang Isang number one mafia lord sa buong bansa. Nakilala sya dahil sa mga gawain nyang illegal at bayarang mamatay tao, na kahit ang goberno ay hindi sya kayang hu...