Pauwi ng bahay nila si ayah, ng malayo pa lang s'ya ay natatanaw na nya ang kumpulan ng mga tao sa daan. Hindi na nya sana ito papansinin ngunit nadaanan ng kanyang mga mata ang itay nya na nakaluhod sa lupa.
Agad syang tumakbo palapit dito. Dahil ngayon lang din nya napansin ang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan.
"Parang awa nyo na po sir,! ito nalang pong lupang ito ang natitira sa amin. Wala po kaming pupuntahan kong kukunin nyo po ito."!
Napatiim ang bagang ni ayah, dahil sa narinig na pagmamakaawa ng ama. Lumapit sya dito at itatayo nya na sana ang itay nya ngunit pinigilan sya nito at inilingan.
"Tulungan mo akong mag makaawa anak. Wala na tayong mapupuntahan kapag nawala ito sa atin. At isa pa malubha ang kalagayan ng inay mo." Nangilid ang mga luha ni ayah dahil sa awang nararamdaman sa kanyang ama.
Tumayo sya at tumingin sa lalaking may pakana ng lahat ng ito. Gusto nyang humanga sa lalaking nasa harap nya ngayon, dahil sa angking alindog nito. Pero nasusuklam sya dito dahil hindi ito marunong tumingin ng sitwasyon. Nakatitig ito sa kanya ng malamig at mariin kaya napalunok sya bago nagsalita.
"Napakaliit ng lupaing ito mister, para pag interisan mo.! Kumpara naman sa mga mamahaling sasakyan na nasa likod mo, alam kong kaya mong bumili ng mas malaking lupain kumpara dito.! Matapang na wika ko. Naramdaman ko ang paghila ni itay sa kamay ko pero hindi ko ito pinansin at sinalubong lang ang nang aarok na titig ng lalaki.
"Demolished this place right now, Samson.!
Namutla ako sa sinabi nito, nooo! Hindi pwedeng mawala sa amin ang lupang ito dahil ito nalang ang meron kami. Nagsimula ng kumilos ang mga taohan ng lalaki. At dahil sa galit nya sa pang aangkin nito ng lupa nila at pagluhod ng itay nya. Sinaboy nya dito ang batya na hawak nya na naglalaman ng isda na nilalako nya.
"Wala kang karapatan na kunin sa amin ang lupang ito, dahil pag-aari ito ng goberno at sila lang ang pwedeng kumuha nito.!!!! Malakas na sigaw ko pagkatapos kung isaboy sa kanya ang mga isdang dala ko.
Nakayuko ito at nakatingin sa suit nyang basa at alam kong subrang langsa narin nito. Umangat ang tingin nito sa akin at napaatras ako dahil nasalubong ko ang kulay abong mga mata nito na nag aapoy sa galit."
"I guess you don't know me woman.! Mas lalo akong napaatras sa malamig at walang emosyon nitong mga mata, habang papalapit sa akin.
Ng makalapit ito, kinabig ako nito sa beywang at nilapit sa kanya.
"Lupa lang ang kukunin ko sa inyo, pero ngayon mukhang may iba pa. He coldly said at binitawan ako ng pabalya.
____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
"a z h e n a 17"

BINABASA MO ANG
"THE DEVIL'S HEART"
Romancehe's a devil. lahat takot sa kanya dahil sa walang awa syang pumapatay. Kilala sya bilang Isang number one mafia lord sa buong bansa. Nakilala sya dahil sa mga gawain nyang illegal at bayarang mamatay tao, na kahit ang goberno ay hindi sya kayang hu...