chapter 1

1K 33 0
                                    




ALLEYAH (POV)


"Anong gagawin natin ngayon fernan. Alam kong babalik ang Montefalco'ng iyon dito. Mapera sya at wala tayong laban sa kanya dahil hamak na pangingisda lang ang kinabubuhay natin."

Umiiyak na wika ni inay at subrang hina din nito dahil sa karamdaman. May stage two breast cancer si inay, kaya nag pupursigi akong makaipon ng malaking halaga para mapagamot sya. Isang kahig at isang tuka lang kami, at kung minsan hindi pa kami nakaka kain ng tatlong beses isang araw.

"Hihingi ako ng tulong sa mayor natin malyn. Dito na muna kayo at pupuntahan ko muna si mayor." Wika ni itay at nag mamadaling umalis.

"Kumain na po muna kayo inay, para makainom kayo ng gamot." Mababang wika ko.

"Patawarin mo kami ng itay mo anak. At hindi ka namin nabigyan ng magandang buhay ng itay mo."

"Inay naman, Ayan na naman po kayo. Ilang ulit ko bang sabihin sa inyo, na Hindi ko kailangan ng magandang buhay. Dahil ang mahalaga po sa akin ay kasama ko kayo." Malambing na wika ko at hinalikan ito sa noo.

"Kumain na po kayo inay ng makainom na kayo ng gamot." Wika ko at binigay kay inay ang pagkain.

"Marami pa rin bang ng liligaw sayo anak.? Bakit ba ayaw mong sagutin ang isa sa kanila ng maranasan mo na ring magka love life."

Napailing ako sa sinabi ni inay. Sa panahon ngayon hindi na mahalaga ang love life. Dahil ang mahalaga ngayon ang kakainin mo pang araw-araw.

"Ayayang Ganda,!! Nand'yan Kaba.!!!

Tumirik ang mga mata ko dahil sa matinis na sigaw sa labas ng bahay namin. "Kumain na po kayo inay, kakausapin ko lang po si marimar." Wika ko kay inay at lumabas.

"Bakit kaba sumisigaw Mario haa.!" Singhal ko dito, dahil ansarap nitong piktusan.

"Ano kaba ayayang! Sabing marimar eh." Nakasimangot na bulalas nito at nag pout.

"Kadiri ang mukha mo bakla kapag nag papout ka, kaya wag mo nang ulitin, masisira buhay mo.

Mas lalo itong sumimangot sa pang-aasar ko. "Porkit ikaw ang pinaka maganda dito sa lugar natin, ginaganyan mo na ako. Umikot ang eyeballs ko dito.

Umopo ako sa upoang kahoy na nandito sa ilalim ng mangga malapit sa bahay namin.

"Pwede ba tigilan mo muna ako marimar dahil may malaking problima ako." Wika ko at tumingin sa karagatan, nabubukod ang bahay namin dito sa barangay namin. At kaya gusto itong kunin ng Montefalco na iyon dahil may magandang spot ang kinatitirikan ng bahay namin para gawing resort.

"Ay oo nga, nabalitaan ko nga girl. At kaya pala nandito ako dahil may raket Tayo mamaya." Napatingin ako kay marimar dahil sa sinabi nito.

"Talaga, ano naman. Game ako dyan Basta wag lang illegal dahil sasabunotan talaga kita."

"Ano kabang babae ka.! Kailan ba ako tumanggap ng illegal haa.!

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses nito. Sinamaan ko sya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Oh, hehe kalma girl. Birthday ng anak na babae ni mayor mamaya kaya. Kailangan nila ng tatlong waitress para mag serve sa mga bisita. Kaya tayong tatlo ni maica at ikaw ang gagawa. Malaki din ang kikitain natin doon. Dahil alam mo naman Malaki magbigay ng bayad si mayor.

Tumango ako kay marimar. "Sige game ako. Dadaanan nalang kita sa bahay nyo mamaya."

"Okay girl guraaa na akitss dahil maglalaba pa ako. Marimar said at naglakad para umalis.



___&_

Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰








"THE DEVIL'S HEART"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon