Chapter 39

38K 1.5K 267
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 39
Cousin-in-law

Charles invited me to a coffee shop downstairs after he finished his brief meeting with Mrs. Legaspi. Nagpaalam ako bago sumama sa kanya. Magla-lunch na rin naman kaya naisip kong ayos lang din.

Tahimik sa coffee shop at wala gaanong tao dahil nagtatrabaho pa ang mga empleyado sa building. Nagiging crowded lang ito kapag uwian na kapag naiisipang dito magpalipas oras ng mga empleyado ng BPO companies na malapit.

Huminto kay Charles ang titig ko habang pinapanood siyang naghihintay ng inumin at pagkain namin sa counter. Nahuli ko ang pasulyap-sulyap na babaeng barista sa kanya. Nangiti ako at umiling saka bumuntonghininga.

I couldn't believe that we would actually meet years later at dito pa sa DVH. After graduating, wala na akong narinig tungkol sa kanya. We didn't keep in touch. Pareho kaming naging abala.

Pagbalik ni Charles sa lamesa, galing sa counter, dala-dala niya ang inorder na inumin at pastry. Hindi na niya tinanong ang order ko, and he immediately ordered an iced latte for me with extra vanilla. Kasama no'n ay ang sugar glaze donut. Iyon ang ino-order ko noong nagda-date pa kami, and I couldn't help but be amazed that he still remembered, lalo na't ilang taon na ang nagdaan.

"I hope you still like these... Hindi na kita natanong," bungad niya nang makaupo sa harap ko.

Ngumiti ako habang tumatango. "Thank you," sabi ko. "Kainin ko na lang 'yung donut pagkatapos ko mag-lunch. Baka mabusog ako agad."

Charles pursed his lips and nodded. "Sorry. Hindi ko naisip na magla-lunch na nga pala. Dapat pala sa cafeteria na tayo dumiretso."

"Ayos lang. Salamat ulit. Ako dapat ang nanlilibre sa 'yo. Kakasahod ko lang." Sinubukan kong magbiro para gumaang ang tensyon sa pagitan namin.

We didn't end our mutual relationship on a bad note. We even had closure. Nakapag-usap kami nang maayos bago naisip na kailangan na naming itigil ang relasyon. We stayed as friends kahit na walang communication dahil busy na sa kanya-kanyang buhay.

Pareho kaming mataas ang pangarap. Our main priority was our studies. Gusto naming gumanda ang buhay ng pamilya namin. We were both raised by our single mothers. Only child din siya. Iyon ang dahilan kung bakit mabilis kaming nagkaintindihan. We had a lot of similarities. We connected so easily na hindi namin magawa sa ibang tao.

However, the reasons that made us like each other were also the ones that triggered us to end our relationship. We didn't make anything about us official. We kept everything gray and blurry. Ayaw namin kahit na gusto namin ang isa't isa.

That time, we thought having a relationship was a burden — a thing that pulled us down from aiming high. Dahil hindi nga iyon ang prayoridad namin, we settled for having a mutual understanding. We were content with knowing that we liked each other. We acknowledged our feelings. Iyon lang ang kaya naming ibigay sa isa't isa.

Kaya lang, naisip din naming kalaunan na parang naglolokohan lang kami. We rarely went on dates that you would actually consider a date. Madalas sa library o kahit saan sa loob ng campus. Feeling namin basta magkasama kami, date na 'yon. Kapag pumupunta naman sa coffee shop, nag-aaral lang din o gumagawa ng papers. Kaya kapag nag-uusap kami, tungkol lang din halos lahat sa pag-aaral. We were more like study buddies than a couple.

"Ikaw ang nagbayad sa huling date natin noon kaya ako naman ngayon," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? He must be bluffing!

"Gano'n ba?" Natawa ako at sinakyan na lang siya. I wasn't sure if he was joking or not. "Hindi ko na maalala. Sorry, pero thank you ulit."

When we were dating, dahil pareho kaming may kaya lang sa buhay, we took turns paying the bill. Kahit simpleng pagbili lang 'yan ng siomai, shawarma, o rice-in-a-box sa food court sa school.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon