#OLAPlayPretend
Chapter 49
ConditionIlang sandaling natulala si Mama bago nahimasmasan. Naproseso na niya ang mga sinabi ko. Kinuwento ko sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Xaiver. Nakinig lamang siya at walang komento na parang madaming iniisip.
I didn't force her to say anything or tell me what was on her mind. Tingin ko ay nabigla rin siya sa mga nalaman. Pumasok siya sa kuwarto dahil gusto niyang mapag-isa. I gave her time to reflect on everything.
As I had come to terms with the truth and accepted any possibilities about my relationship with Xaiver, I tried to move on with my day. Mas maganda na rin na alam ko na ang dahilan kung bakit siya nanlamig. Kahit papaano, nabawasan na ang iniisip ko. Saka na ako magdedesisyon sa ibang bagay kapag alam ko na ang magiging desisyon ni Xaiver.
Naghanda ako ng hapunan habang nanatiling nasa kuwarto si Mama. Pagkatapos maluto ng hapunan at ayusin ang lamesa, naligo ulit ako bago tinawag si Mama para kumain.
I cooked her favorites to make her feel better. Ako na ang mismong naglagay ng ulam sa plato niya habang ang sabaw ng sinigang ay isinalin ko sa mangkok. Tahimik pa rin siya habang kumakain. At kagaya kaninang tanghalian, parang wala pa rin masyadong ganang kumain.
Siguro sa sahod, sasamahan ko ulit siya para sa isang general checkup. Kailangan ko na ring budgetin nang maigi ang pera. Of course, I couldn't let Xaiver pay for her therapies anymore. Uunti-untiin ko na rin ang pagbayad sa kanya gaya ng unang plano. As much as I wanted to be optimistic, it was better to prepare for the worst.
"I'm sorry, anak."
Natigil ang lahat ng iniisip ko sa biglang pagsasalita ni Mama. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang mga mata ay nakatitig sa pinggan habang nakayuko, pero hindi nakatakas sa akin ang paglandas ng mga luha sa kanyang pisngi.
"Ma..."
"I'm sorry..." ulit niya kasabay ng pinipigilang hikbi. "Pasensya na kung nadamay ka sa amin ng Papa mo..."
Umiling ako at agad na tumayo para pumunta sa tabi niya. Bawat pagpatak ng luha ay parang punyal na sumasaksak sa aking dibdib.
Ito ba ang iniisip niya magmula kanina? Sinisisi niya ang sarili niya at pati na rin si Papa?
"Akala ko magiging maayos na ang lahat... Akala ko wala na akong dapat ipangamba, pero hanggang ngayon, dahil sa nangyari ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin natatapos ang paghihirap mo..."
"Ma, wala po kayong kasalanan..." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. She refused to look back at me as if she was embarrassed. "Wala kayong kasalanan ni Papa."
"Pero hindi 'yon ang tingin ng ibang tao, lalong-lalo na ng asawa mo at ng pamilya niya..."
When she finally looked at me, I could see how desperate and frustrated she was behind those tears. Siguro ay gusto niyang intindihin ang mga nangyayari, but she was too consumed with guilt to try. Ang tanging iniisip niya na lang ay kasalanan niya, nila ni Papa, ang nangyayari.
"Ayokong husgahan ka ng mga tao dahil doon, anak..." sabi niya. "Minahal ko ang Papa mo, pero hindi ko alam kung bakit parang pinagsisisihan ko nang pinapasok ko siya sa buhay natin. Kung sana—"
"Ma, please. Tama na po," pinutol ko si Mama.
I didn't want to hear her regret the relationship she had with my stepfather. Ayaw kong pagsisihan niya ang subukan ulit ang magmahal at bigyan ako ng kumpletong pamilya.
"Huwag na huwag ninyo na po ulit sasabihin 'yan," sabi ko at hinigpitan kaunti ang hawak sa kanyang mga kamay. "Mahal na mahal tayo ni Papa, Ma, at lalong-lalo ka na. Ginawa niya ang lahat para sa atin. Hindi lang siya basta lalaki na pumasok sa buhay natin. He's our family. At kahit wala na siya, kung sakaling ginawa niya man ang ibinibintang sa kanya, pamilya pa rin natin siya. That will never change."
BINABASA MO ANG
Play Pretend
Romance[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not getting any younger, Xavi is pressured by his mother to get married and settle down. He is lured on blind dates disguised as business meetings...