Chapter 41

44.9K 1.5K 209
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 41
Possessive

Ganoon ang naging eksena buong linggo sa office. Xaiver would come down to visit me with Joseph. Hindi ko pa alam noong una kung bakit niya sinasama si Joseph kaya tinanong ko rin siya kalaunan habang papasok kami sa trabaho ng Biyernes.

"Your colleague likes him, so why not?" simpleng sagot niya.

Kung alam niya lang, mas lalo niyang pinapahirapan ang kaibigan ko na mag-move on kay Joseph. Tuwing nakikita niya 'yung tao ay nabubuhayan siya ng pag-asa. Pero kapag naaalala niyang kasama nito si Hariette, mas lalo siyang nasasaktan.

"Mamaya kung pupunta ka ulit, 'wag mo na isama si Joseph. O kung gusto mo, ako na ang aakyat sa office mo," sabi ko.

"I might not be able to visit later. Magpapadala na lang ako ng merienda ninyo. I have things to do with Knoa this afternoon," sabi niya.

Napapadalas na talaga ang alis nila ni Knoa. Gusto kong malaman kung ano'ng pinagkakaabalahan nilang magpinsan, but knowing Xaiver, siya na mismo ang magsasabi sa akin kung mayroong problema o kung talagang importante 'yon ba kailangan kong malaman.

Maybe it's about work, o baka naman iniimbestigahan pa rin nila ang boyfriend ni Hari!

"Mamaya nga pala gaganapin ang despedida party ni Macy. Hari stressed that we should all be there. She booked a cabana in Cove Manila," paalala ni Xaiver.

Tumango ako. "Nabanggit nga ni Hari. She texted me last night. Ang sabi niya dadalhin niya raw ang boyfriend niya para ipakilala sa atin."

Dumilim ang mukha ni Xaiver. He didn't like the idea of meeting his cousin's boyfriend. Mas lumakas ang kutob kong may ginagawa silang paraan para maghiwalay sina Hari at ang boyfriend niya.

"Ayaw mo ba talaga sa boyfriend ni Hari?" tanong ko.

"He's up to no good," simpleng sagot niya. "He's not the right man for my cousin."

"Hindi ba anak siya ng senator?"

Ayon ang nabanggit ni Hari sa amin. She met her boyfriend at a charity ball. Siya ang nag-represent sa mga Dela Vega noong nasa honeymoon kami ni Xaiver dahil ayaw pumunta ni Knoa.

"The more we don't want him for her," sabi niya. "Ayaw naming mabahiran ng kahit anong politika ang pangalan namin. And that man is nothing without his looks and name."

"Xavi, hindi kayo o ikaw ang magdedesisyon kung siya ba ang tamang lalaki para kay Hari. Paano kung mahal talaga siya ni Hari?"

"Kilala namin ni Knoa si Hari. She doesn't love the guy."

"Paano kayo nakakasigurado?" tanong ko dahil paano kung mali siya?

"We just know." Nagkibit-balikat siya. "Hindi sila magtatagal. Maghihiwalay rin sila, and we don't have to lift a finger for that to happen. Her so-called boyfriend will do it himself."

Napabuntonghininga na lang ako at umiling. Xaiver sounded so sure of himself. Hindi ko na siya magawang kontrahin. Naiintindihan ko rin naman kung bakit ayaw nilang mabahiran ng politika ang kanilang pangalan.

Politics is really dirty. It can negatively affect the well-being of a company. At kung ano man ang mangyari sa DVH, it will surely create a domino effect among its subsidiaries. Their empire will collapse completely kung hindi maaagapan at maisasalba.

Mabilis ang takbo ng araw. Umakyat ako sa opisina ni Xaiver matapos ang araw sa opisina. I waited for him to finish reviewing and signing a few documents before we headed out.

Dumiretso na kami sa Okada. Dahil alas-otso pa naman ang usapan, kumain muna kami ni Xaiver sa isang Japanese restaurant. We had the omakase course. Buti na lang at hindi ganoon kadami ang kinain ko nung lunch dahil busog na busog ako sa hapunan. I don't think I can even drink or eat sa despedida party na hinanda ni Hari.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon