#OLAPlayPretend
Chapter 17
FlirtI let out a deep sigh after entering my room and locking myself inside. Wala si Mama sa sala o kusina nang makauwi ako, ngunit may nakatakip pang ulam para sa hapunan. Gusto ko mang kumain at huwag sayangin ang niluto niya, wala akong gana. Dire-diretso na lang ako sa kwarto nang madinig ko ang panonood ni Mama sa cellphone sa kanyang silid.
Lutang akong nakatitig sa singsing na isinuot sa akin ni Xaiver. He was so casual about it. I never expected I would get proposed to that way. I was more of an old-school type when it came to those things. Dala na rin 'yon siguro ng pagiging hopeless romantic ko. I wanted to experience most of the things I watched in movies or series and read in romance fiction. In my reality, though, Xaiver didn't bother popping the question before giving me a ring. Basta sinuot niya lang 'yon.
But then again, why would I expect something romantic when we're not even in a real relationship? We're just gonna play pretend! I should be ready for the worst relationship ever!
Isang buntonghininga na naman ang pinakawalan ko nang sinubukang pigilan ang sarili sa pag-o-overthink. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko 'yon ginawa simula nang pinirmahan ko ang kontrata. I was swinging in the middle of regretting my impulsive decision and accepting my cruel fate. Ngunit kahit magbago man ang isip ko, wala na rin akong magagawa. I already signed the agreement. Ang tanging pampalubag-loob ko na lamang ay ang kasiguraduhan na hindi na ako mahihirapan sa pag tustos ng dialysis, check up, at mga gamot ni Mama. She would have a much better life because of the deal at iyon ang importante sa akin.
Kinabukasan, pinasundo ako ni Xaiver sa kanyang driver bago magtanghalian. May meeting kasi siya bago no'n at hindi niya na ako masusundo.
We already had an appointment with the wedding planner he hired for our wedding. Late lunch meeting 'yon sa isang hotel at doon na siya didiretso galing sa DVH. Hindi ko inakalang magpaplano na ako ng kasal gayong kahit papaanong pagpaparamdam kay Mama ay wala 'kong nagawa.
Hindi ko magawa.
Even between those brief moments of silence while eating breakfast or talking about trivial things, I couldn't give her a hint. I couldn't bring myself to do it.
While nearing the hotel, my phone rang when Xaiver called. Ayaw ko sanang sagutin pero ayaw kong sumama ang disposisyon niya.
"Hello?" I quietly answered his call.
"Where are you?" he asked right away.
"Malapit na sa hotel."
"Okay. Kararating ko lang. I'll wait for you in the lobby."
"Okay..."
Xaiver ended the call. Alam kong dahil 'yon sa wala na siyang sasabihin, ngunit hindi maiwasang sumama ang loob ko. I just didn't like how he dropped the call abruptly. I should be the one doing that!
Dala-dala ko ang sama ng loob na naramdaman hanggang sa nakarating na ako sa hotel. I thought Xaiver would be waiting for me inside a suite or at the lobby, but he was unexpectedly waiting in front of the driveway like a chauffeur. Nakapamulsa ang kanyang isang kamay at nakatagilid bahagya ang ulo habang pinapanood ang paglapit ng sasakyan hanggang sa tumigil na kami sa harapan niya.
Hindi na nag-abala pang bumaba ang driver dahil si Xaiver na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan pababa, ngunit kahit na nakalabas na ako ng sasakyan ay hindi niya binitiwan 'yon.
Normal lang naman siguro 'to, 'di ba? We're engaged now anyway... kahit hindi totoo.
"The planner's waiting for us inside. Let's go," sabi niya lang at saka pinagsalikop ang aming mga kamay.
BINABASA MO ANG
Play Pretend
Romance[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not getting any younger, Xavi is pressured by his mother to get married and settle down. He is lured on blind dates disguised as business meetings...