#OLAPlayPretend
Chapter 43
LieBefore lunch ay nakarating na kami sa bahay. Nakaayos na si Mama, suot-suot ang bestida na gustong-gusto ni Papa na makitang suot niya. It was a yellow floral dress with puffy sleeves and a front tie.
Muntik na kaming magkapareho ni Mama ng suot dahil naka-dress din ako. I paired the white ruffled strapless mini dress with canvas sneakers. And after seeing me ready, Xaiver quickly changed his black shirt and put on a white polo shirt. Gusto niyang magkakulay ang suot namin.
"Ma, kumain na tayo," aya ko kay Mama.
Abalang-abala siya sa pag-aayos ng hapag nang dumating kami ni Xaiver. I tried helping her, but she wouldn't let me do chores. Ayaw ko siyang napapagod masyado.
"Ito na. Huling putahe na 'to," nakangiting sabi niya at inilapag ang bowl sa gitna ng lamesa.
My mother cooked three dishes. Lahat 'yon ay matagal lutuin. I could only imagine her cooking since early in the morning. Baka nga hindi pa siya nakakain ng umagahan.
"Ma, ang dami naman po ng niluto mo. Baka hindi natin maubos," sabi ko, trying to filter my words. I didn't want to offend or hurt her.
"Babaunin natin sa pantiyon kapag hindi naubos," sabi niya nang naupo. "Saka ito ang unang beses na bumisita kayo sa bahay simula nang ikinasal kayo. Syempre, maghahanda ako."
My lips parted as guilt suddenly crept in. Simula noong nakauwi kami sa honeymoon ay hindi na ako nakabisita sa bahay. Buti na lang ay nailabas ko pa si Mama noong isang sabado na sobrang busy pa ni Xaiver sa trabaho. Kung hindi ay baka tuluyan na akong kinain ng konsensya.
"Sorry, Ma... Hindi kami nakabisita ni Xavi."
Mom chuckled. "Ayos lang 'yon. Naiinintindihan ko naman na maraming inasikaso si Xaiver dahil matagal kayong nawala," sabi niya. "Ayos na akong makita kayong masaya pa ring nagsasama."
Xaiver held my hand. Nilingon ko siya. His genuine smile caught me off guard for some reason.
"Wala po kayong dapat ipag-alala tungkol diyan, Ma. We're more than content and happy," he reassured her with actions and words.
Hindi lang si Mama ang nakatanggap ng reassurance nang dahil doon. Kahit ako ay naramdaman 'yon, and I couldn't ask for more. Kusa niya 'yong binibigay, hindi na kailangang hingin, at lagi niya ring pinaparamdam sa tamang oras.
"Mabuti naman kung gano'n... Masayang-masaya ako..." sabi ni Mama, medyo hinihingal.
Umayos ako ng upo upang matingnan siya nang mas maayos. I got worried when I heard and saw her panting. Parang hinihingal siya dahil sa pagod.
"Ayos lang po ba kayo, Ma?" tanong ko.
"Oo naman." Tumawa siya at aabutin sana ang baso ng tubig, ngunit naunahan na siya ni Xaiver para ibigay 'yon sa kanya. "Salamat, hijo."
"Walang anuman po," agad na sagot ni Xaiver.
Uminom si Mama ng tubig at halos maubos niya agad 'yon. Pagkatapos uminom, medyo umayos na ang paghinga niya. She finally looked hydrated.
"Napagod lang talaga siguro ako sa pagluluto," sabi ni Mama.
"Ngayon lang 'to, Ma, ah. Alam ninyo naman pong hindi maganda sa inyo ang mapagod," paalala ko.
I couldn't reprimand her for preparing a meal for us. Nangyari na at nagawa na. I also didn't want her to feel unappreciated, but I had to keep reminding her not to compromise her health.
Bumalik sa akin ang pag-aalala sa kanya, lalo na't hindi kami araw-araw magkasama gaya ng dati. Hindi ko siya mabantayan kung kumakain ba nang tama. She could sometimes be stubborn and eat foods that are not good for her health. Ayos lang ang tikim pero kapag sobra, nakakatakot na pabayaan.
BINABASA MO ANG
Play Pretend
Romance[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not getting any younger, Xavi is pressured by his mother to get married and settle down. He is lured on blind dates disguised as business meetings...