Chapter 38

42.6K 1.3K 187
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 38
Freshman

Problemado ako habang nakatingin kay Geneva. Wala pang isang linggo simula nang nakilala niya si Joseph ay brokenhearted na siya. May hawak siyang tissue kahit wala namang luha. Sa tapat naming dalawa ay nakailang buntonghininga na si Cess.

Nasa loob kami ng lounge at walang hiya niyang ni-lock ang pintuan para walang makapasok. Gusto niyang ikuwento sa amin kung bakit siya brokenhearted. Nawindang ako nang sinabi niyang sinaktan siya kay Joseph.

"Ayon... Feeling ko wala na talaga akong pag-asa..." malungkot niyang sabi. The tissue paper got even more crumpled as she held it tighter. "Nakita ko sila... Nakakapit pa sa braso niya..."

"Sino ba ang tinutukoy mo?" Cess impatiently asked.

"Si Joseph nga!"

"'Yung nakakapit sa braso niya, I mean. Sino ba 'yon?"

"Ang babaeng hinding-hindi ko mapapantayan..." Instead of answering directly, she still went on beating around the bush.

"Sino nga?" Lumalim ang boses ni Cess, naiinis na sa paligoy-ligoy ng aming kaibigan.

"Pinsan ni Mr. Dela Vega! Si Miss Hariette!" she finally answered the question.

Naubo ako sa sagot ni Geneva. I didn't expect Hari to be involved in this matter. Akala ko kung sino. Akala ko lalaki ang nakita niyang kasama ni Joseph kaya sumusuko na siya dahil alam niya nang hindi sila talo. Who would've thought that she would get jealous and hurt because of Hari?

Kung malalaman ito ni Hariette, she would surely lose her mind, laughing at something so absurd. Lalo na ngayong nasabi niyang may boyfriend na siya na ikinakasakit ng ulo ni Xaiver, talagang matatawa na lang 'yon.

Nakuha ng ubo ko ang atensyon ni Geneva. Ngumuso siya. "Chan, sure akong close kayo ni Miss Hariette dahil pinsan siya ni Mr. Dela Vega, pero huwag mo akong isusumbong, ah?"

Tinikom ko ang bibig ko at nagseryoso. Umiling ako para mapanatag ang loob niya. "Syempre, hindi ko sasabihin... pero wala namang namamagitan sa kanila."

"Wala?"

"Wala."

Geneva's eyes twinkled as her hopes rose, but her worries popped her happy bubble right away. "Pero sobrang dikit talaga nila..." sabi niya at saka yumakap sa braso ko. "Ganito ang kapit ni Miss Hariette kay Joseph noong nasalubong ko sila sa elevator kahapon. Nagtatawanan pa sila. Nung nakita ako, tinanguan niya lang ako tapos seryosong-seryoso na. Naisip ko baka may hidden relationship sila! Bawal sila kasi secretary lang si Joseph ni Mr. Dela Vega!"

I pursed my lips at her wild guess. Napaisip ako sa huli niyang sinabi at hindi maiwasang ihalintulad iyon sa sitwasyon naming dalawa ni Xaiver noon. I was also once the secretary to the CEO before I married him.

"Geneva, baka nakakalimutan mong secretary din dati ni Mr. Dela Vega si Chantal," paalala ni Cess. She took the words from my mouth.

Geneva's eyes widened in realization, and she pushed herself away from me in shock. "Ay, sorry! Oo nga pala! Wala naman akong masamang intensyon pero..." Muling humaba ang nguso niya saka bumagsak ang mga balikat. "Eh 'di mas lalo na akong walang pag-asa niyan... Wala naman palang problema 'yon sa pamilya nila..."

Cess sighed heavily a number of times in the span of five minutes or more since we entered the lounge. Hilaw akong ngumisi at muling pinanood ang brokenhearted na kaibigan. Wala na akong masabi at wala rin naman akong magagawa.

Kahit na sigurado akong walang namamagitan kina Joseph at Hariette, alam ko rin na walang patutunguhan ang paghanga ni Geneva sa kanya. She would still get her heart broken either way kaya mas maganda na sigurong ayon na lang ang isipin niya.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon