#OLAPlayPretend
Chapter 45
Home"Oh my gosh! This one is so pretty!"
Hariette squealed over her gorgeous look in the mirror when she finally came out of the fitting room. Humarap siya sa akin, bahagyang itinagilid ang ulo at saka ngumiti.
"Do you think it looks good on me? I think it does!" Kahit na mukhang desidido na siyang bilhin ang dress.
Ngumiti ako tumango. "Bagay na bagay sa 'yo."
I honestly think she looks good kahit ano pa ang suot niya. Minsan niya nang nakuwento sa akin na may modeling agency na nag-alok sa kanyang maging model, pero tinanggihan niya 'yon dahil sa background ng kanilang pamilya. She said the Dela Vegas should be private, mysterious, and reserved in the eyes of other people. Hindi puwede ang pumasok sa magulong industriya ng media kahit na gusto niyang subukan for experience.
"Bagay, right?" Mas lalo siyang natuwa nang nakarinig ng kumpirmasyon galing sa akin. "I think you should also buy one, but a different color! Para matchy-matchy tayo! Like sisters!"
Bahagya akong natawa sa naisip niya. Even though I found her idea cute, wala akong pambayad sa gusto niyang bilhin na damit. Ilang taon ko pang kailangang sumahod para ma-afford 'yon. At kahit na makaipon ako ng ganoong kalaking pera, hindi ko sasayangin sa mamahaling damit. I might invest in jewelry or a second-hand car.
I need to be practical and save money. Hindi ako mayaman.
"Hindi bagay sa akin 'yan..." sabi ko na lang.
"Anong hindi?" Sumimangot siya. "Bagay kaya! We're both pretty kaya bagay rin sa 'yo 'yan for sure!"
Lumapit si Hariette at hinila ako patayo. Wala sa sarili akong nagpatianod sa kanya.
"Can you please help my cousin try the dress? Same size, please, but she'll have the white one," utos ni Hariette sa staff na nag-assist sa kanya.
"Yes, Miss Dela Vega. No problem."
Agad na humakbang papalapit sa akin ang staff. Hinawakan ko sa braso si Hariette saka pasimpleng umiling. Ayaw kong isukat lalo na't alam kong hindi ko naman kayang bilhin.
"Come on, Chan! Don't worry! Ako na bahala!" Itinulak ako ni Hariette palapit sa staff.
Dinala ako ng staff sa fitting room upang i-try ang dress. It was very spacious. May couch pa at snacks sa loob. Its size could pass for a bedroom. Ilang sandali akong iniwan ng staff sa loob bago bumalik na dala ang dress na katulad ng suot ni Hariette.
It felt a little uncomfortable to wear it, knowing its price. Hindi man iyon ang unang beses na nakapagsuot ako ng designer brands. Xaiver did shop for expensive stuff for me, pero pakiramdam ko'y wala akong karapatan ngayon na tanggapin ang kabaitan na pinapakita sa akin ni Hariette.
Nang malaman ni Hariette na lumipad si Xaiver papuntang US para sa isang business meeting, she was kind enough to invite me to hang out with her. She thought I might be lonely without her cousin around kaya siya muna ang sasama sa akin. Hindi ko alam kung may nalalaman ba siya tungkol sa estado ng sitwasyon naming mag-asawa, ngunit sa tingin ko ay wala. She seemed clueless. She's still the same.
"Perfect!" Hariette clapped her hands upon seeing me, and there was a huge smile plastered on her face. "It looks so good on you! We have to buy it asap!"
"Hari—"
"Na-ah! Don't say a word." She clung to my arms and rested her head on mine a little. "I'm gonna pay for it. It's my gift, so don't worry. Ako bahala sa 'yo! Let's go!"
BINABASA MO ANG
Play Pretend
Romance[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not getting any younger, Xavi is pressured by his mother to get married and settle down. He is lured on blind dates disguised as business meetings...