Chapter 47

38.7K 1.7K 488
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 47
Happiest

I'd be lying if I said I wasn't scared. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari o kung ano ang magiging kahinatnan ng relasyon naming dalawa ni Xaiver. I guess I'm also a coward, but I'm willing to set my fears aside to try and make things work.

Gusto kong maunawaan ang nangyayari sa aming dalawa. Gusto kong malaman kung ano ang pinanggagalingan niya... why he suddenly went cold after making love to me. Gusto ko ng sagot. I need it.

We were married for not less than half a year. Apat na buwan pa nga lang. The honeymoon phase ended so early and without warning. I wasn't prepared for anything heavy. I thought our relationship would be smooth sailing, but I was wrong.

Malayo pa lang ay nakita ko nang parating ang sasakyan ni Xaiver. I decided to wait for him outside. Nasa loob pa si Mama ng kanyang kuwarto at natutulog. I didn't tell her I was seeing Xaiver. Hindi ko pa alam kung ano ang pahahantungan ng pag-uusap namin kaya mas mabuting hindi ko muna ibalita sa kanya.

Huminto ang sasakyan sa harapan ko. I heard the locks click from the inside. Hudyat iyon na puwede na akong pumasok sa loob kaya iyon ang ginawa ko.

Xaiver's eyes were fixed on the road. Kahit na binuksan ko ang pintuan at pumasok ako sa loob ay hindi niya ako nilingon. Nang tuluyan na akong nakaayos sa loob, agad niya ring tinapakan ang gas para magpatuloy sa pagmamaneho.

My mouth went dry. I pursed my lips, and my eyes fell on the bag sitting on my lap. Nahanap ko ang wedding ring namin sa daliri ko kasama ng engagement ring na ibinigay niya.

Ginapangan ako ng kaba ng masilayan 'yon. I cautiously turned my head to look at his left hand on the wheel. His tight grip made the ring on his finger obvious. Napaawang ang aking mga labi at gumaang ang pakiramdam nang makitang suot niya pa rin ang singsing.

I honestly thought Xaiver took it off. I was prepared to see his ring finger bare. I guess, at the very least, he still respects our matrimony by wearing our wedding band. Kahit ayon lang ay ayos na sa akin.

"Have you eaten lunch yet?"

Mabilis akong tumingin kay Xaiver. Nasa daan pa rin ang mga mata kahit an kausap ako.

"Kung hindi pa, pwedeng kumain muna tayo bago tumuloy. We still have time," dagdag niya.

I already ate lunch. Busog na ako. But the idea of having lunch with him was very tempting. Parang kanina lang ay na-realize ko kung gaano katagal na simula nang huling sabay kaming kumain ni Xaiver. Now, I have the chance to do that again.

Siguro ay hindi masama kung hayaan ko muna ang sarili? At saka what if inuunti-unti niyang bumalik sa dati ang pagsasama namin? I didn't want to immediately block him out.

"Hindi pa," sagot ko, tuluyan nang nangiti.

"Okay. Let's eat first."

Iyon nga ang nangyari. Iniliko ni Xaiver ang sasakyan sa daan patungo sa isang fine dining restaurant. They serve European cuisine. It reminded me of our honeymoon trip. Ako na ang nag-order para sa aming dalawa ni Xaiver at hindi naman siya umangal.

While waiting for our food, silence enveloped us. Walang nagsasalita. Xaiver was just staring at the wine in front of him habang ako naman ay nakatingin sa kanya. Mukhang malalim na malalim ang iniisip niya, the reason why he spaced out.

I couldn't help feeling worried. Paano kung mali ako ng hinala? Paano kung hindi naman sa akin may problema si Xaiver?

I looked back on his frequent rendezvous with Knoa before things went downhill. Bumalik ako sa hinalang baka may matinding problema ang kompanya o sa kung ano mang pinagkakaabalahan nila ni Knoa. Baka hindi niya lang talaga masabi sa akin kung ano 'yon, pero ngayon ay handa na siya.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon