Chapter 48

38.3K 1.6K 324
                                    

Trigger Warning: Mentions of Drugs and Suicide

#OLAPlayPretend

Chapter 48
Pamilya

My driver was waiting outside the mausoleum when I went out. Naiwan si Xaiver sa loob. Sa tingin ko ay siya mismo ang nagpapunta kay manong dito. He might have seen this coming.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung sasakay ba ako o magko-commute na lang. It would be a long walk to the entrance of the memorial park, pero kailangan ko na sanayin ang sarili ko. I had already started when I went home to my mother earlier.

But then again, this might be the last time, so I should use the opportunity to cherish the moment. Gusto ko ring magpasalamat kay Manong at humingi ng pasensya, lalo na't naiipit siya sa amin ni Xaiver minsan.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong sa akin ni Manong nang nakapagdesisyon akong sumakay sa kanya.

"Sa bahay po namin ni Mama."

He smiled and nodded while looking at me through the rearview mirror. Agad niya rin pinaandar ang sasakyan. I didn't look back at where I left Xaiver. Pakiramdam ko'y kapag lumingon ako pabalik ay hindi ko pinaninindigan ang desisyon ko.

While on the road, doon bumalik sa akin lahat ng pinag-usapan namin. Kahit na hindi naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap namin, masaya akong nasagot lahat ang aking mga tanong. I really thought he wouldn't try to speak with me and leave me hanging, but I really appreciated how he tried to sort out his feelings before dealing with our problem. He didn't wanna be reckless.

Ibinaba ko ulit ang tingin sa aking mga singsing.

He called my father a criminal and a drug user. Back then, I would cry foul every time our relatives called him names. Hindi ko tanggap. Naniniwala akong hindi niya magagawa 'yon even when all the evidence was slapped right in our faces.

A test was conducted right after the accident. Nag-positive si Papa sa drug test. Bukod pa roon, mayroong nahanap na iilang sachet ng droga sa glove box ng pinapasadang taxi. Naging mabilis ang paghahatol sa kanya dahil doon. Hindi na kami nakapalag. Hindi na namin alam kung paano pa siya madidipensahan.

And when he chose to end his own life inside the prison, the authorities became more convinced that he was guilty of his crime. Tingin nila ay hindi niya gagawin 'yon kung wala siyang kasalanan. His actions took someone else's life, and that was how he repented for his sins.

Buhay para sa buhay.

Kung ako siguro ang unang nakaalam ng koneksyon tungkol sa pagkamatay ng kapatid niya at ang aksidenteng nangyari kay Papa, I might have done the same thing. Kailangan kong pag-isipan nang mabuti kung ano at paano ko sasabihin ang totoo. Baka iba ang maging pagtanggap ko sa katotoohanan. Baka ako ang lumayo dahil sa hiya.

The more I thought about it, the more I was convinced that I had made the right decision. The past we shared did both of us great damage. We needed time to recover. We needed the space to think things through, lalo na kung ano ang mangyayari sa relasyon naming dalawa.

I bit my lower lip and massaged the bridge of my nose. Sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip at para din akong nahihilo. Maybe it's also because I've cried too much. O baka kulang lang din talaga ako sa pahinga at tulog dahil ilang araw din akong hindi nakatulog nang maayos.

Umayos ako ng upo at ibinaba ang sandalan ng upuan para maging mas maayos ang pwesto. I was close to lying down. Ipinikit ko ang aking mga mata. Medyo malayo-layo pa papuntang bahay kaya makakaidlip pa ako.

"Ma'am, malapit na po tayo."

Ang anunsyo ni Manong ang gumising sa akin. Mababaw lang ang tulog ko kaya agad akong dumilat. Ibinaik ko sa dati ang upuan at umayos ng upo. Nang tumingin ako sa harapan upang silipin kung nasaan na kami, my eyes widened when I saw the chaos happening outside our house.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon