#OLAPlayPretend
Chapter 46
CowardI didn't wait for him.
Hindi ko alam kung anong oras siya umuwi o kung nakauwi ba siya. Para hindi masayang ang mga niluto kong ulam kahapon, hinati ko 'yon at pinamigay sa security guards ng aming bahay at pati na rin sa guardhouse ng village. Ipinamigay ko na rin ang cake na ginawa. Binura ko nga lang ang dedication. Hinalo ko 'yon sa ganache kaya parang may design pa rin sa ibabaw.
I ate alone last night with an empty heart. Pagkabura ng makeup ay naglinis na rin ako ng katawan saka nakatulog.
It helped that I already felt numb. Nakatulog ako nang maayos. There was no pain that kept me awake at night. I was done overthinking things. Hindi na ako nag-alala.
I wasn't surprised when I woke up without Xaiver on our bed. Nasanay na ako. Inisip ko na lang na nasa America pa rin siya at hindi pa nakakauwi. It was better that way. Parang ganoon din naman. Parang hindi pa siya nakakauwi. Parang wala rin siya.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit, bumaba ako para magluto ng umagahan. Out of habit, I cooked breakfast for two. Napagdesisyunan ko na lang na itabi ang matitira para iyon na lang din ang tanghalian ko gaya ng ginagawa ko for the past month. Wala namang kaso sa akin kung pareho ang umagahan at tanghalian. At least, hindi ko na kailangan pang magluto.
"Ma'am, may delivery po."
The guard called my attention while I was eating breakfast. May dala-dala siyang malaking package na nakabalot sa dyaryo. I assumed it was the regular delivery of camellia flowers at baby's breath na nilalagay ko sa mga vase sa bahay. Every two weeks iyon dumadating. Xaiver would pay for them.
Siguro ay ilang buwan o baka taon na ang nabayaran niya kaya patuloy pa rin ang delivery kahit na hindi ko iyon inaasahan. I wasn't planning on doing flower arrangements, pero sayang ang mga bulaklak.
"Pakilagay na lang po rito sa lamesa, Manong. Ayusin ko po mamaya. Salamat. Kumain na po ba kayo?"
"Opo, Ma'am. Kumakain po kami no'ng umalis si Sir Xaiver kaninang madaling araw," nakangiti niyang sagot.
"Oh..." So he actually went home. "Okay po."
Hindi ko na pinabulaanan pa ang tungkol sa pag-uwi ni Xaiver. This is his house, so he can come and go anytime he wants. I wouldn't take it against him.
Iniwanan din ako ng security guard pagkatapos dalhin ang mga dineliver na bulaklak. Tinapos ko na rin ang pagkain at nagpasyang ayusin na lang ang mga bulaklak sa vase.
The camellia flowers reminded me so much of us. It symbolizes and makes a mark on every step we take in our relationship. I took out the withering camellias from the vases. Kahit na inalagaan ko 'yon nang maayos para hindi mabulok agad, it still lost its colors. Despite the water remaining inside the vase, it still dried up.
I took a deep breath as I replaced them with the fresh ones. Pati ang tubig ay pinalitan ko. They were livelier and more colorful. Talaga nga namang mas maganda 'yong tingnan kaysa sa pabulok na.
For some reason, seeing the fresh camellias made my heart feel lighter. I made the arrangements for all the vases before I put them back in their respective places. Inuna ko ang nasa dining bago lumabas para ilagay ang sa living room. Hindi ko nga lang inaasahan na makita si Hari na kakapasok pa lamang sa aming tanggapan. Mukha rin siyang nagmamadali.
"Hari?" Nagtataka kong tawag sa kanya. Isang linggo na rin simula noong huli naming pagkikita. "Napadalaw ka. Hindi mo sinabing pupunta ka..."
Nabitin sa ere ang mga sasabihin ko nang lumipat ang mga mata ko sa matangkad at matipunong lalaking kasunod niya. The good-looking man didn't look familiar to me. Medyo kinabahan ako, pero naisip kong hindi naman siya makakapasok kung hindi siya kasama ni Hari o hindi siya kilala ng mga guards namin.
BINABASA MO ANG
Play Pretend
Romansa[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not getting any younger, Xavi is pressured by his mother to get married and settle down. He is lured on blind dates disguised as business meetings...