Chapter 35

47.7K 1.5K 320
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 35
Tired

"Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong maghiwalay pa tayo. Para saan?"

Kunot na kunot na ang noo ni Xaiver dahil naguguluhan sa desisyon ko. Napabuntonghininga ako. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin dahil paulit-ulit lang kaming dalawa. We had been talking about the same thing since I decided na hindi kami sabay sa pagpasok sa trabaho.

I wanted to start anew. Sigurado akong alam na ng empleyado sa DVH ang pagpapakasal ni Xaiver at dahil sa mga pictures at videos ay alam din nilang ako ang maswerteng babaeng pinakasalan niya. Ngunit kahit na ganoon, hindi nagbago ang desisyon ko.

The employees would only be wary of me. Kapag kasama ko siya lagi ay baka wala nang mangahas na lumapit pa sa akin. I wanted to work just like an ordinary employee. Ayaw kong ipagmayabang ang apelyido niyang kadikit ng aking pangalan. Kaya isa sa paraan na naisip ko upang maiwasan 'yon ay ang hindi namin pagsabay sa pagpasok sa trabaho.

"We live in the same house. Parehas tayo ng papasukan. Why do we need to make things hard for us?" katwiran niya. "And besides, everyone knows you're my wife. You're already married to me."

Ngumuso ako. Kahit na sinusubukan niya pa ring baguhin ang isip ko, napahanda niya na ang sasakyan ko. I also have my own driver, even when I can drive myself.

"Sa ngayon lang naman... After a month or two, kapag nakapag-adjust na ako, puwede na tayong magsabay," pampalubag-loob ko sa kanya.

Umiling siya. "I still don't understand."

Iyon ang bukambibig ni Xaiver buong umaga. Sa huli, wala rin siyang nagawa kung hindi ang hayaan ako sa gusto kong mangyari. He drove his fancy, luxurious car alone, while I rode the SUV kung saang driver ko ang dati na niyang driver.

Kahit na nauna siya sa pag-alis, pagdating sa highway ay nagbagal siya upang paunahin kami. He was tailing the SUV like a bodyguard. Hindi niya hinahayaang makalayo kami. Hanggang sa makarating sa DVH, ganoon ang porma namin.

Gaya ng napag-usapan, I was glad that he went with my instructions. Pagkababa niya sa sasakyan, ibinigay niya ang susi sa naghihintay na valet bago pumasok sa loob ng kompanya. I waited for three minutes before I got out of the car.

Nakasuot na ako ng bago kong ID kaya hindi na ako sinita. I decided to go low-key. Ang suotan ko ay hindi kagaya noong sekretarya pa ako ni Xaiver na puro semi-formal. I just wore simple attire that didn't go against the company's rules—denim jeans and tucked in a nude, vintage turn-down collar blouse. Maayos din ang aking nakalugay na buhok at naglagay ng konting makeup.

May iilang nakapansin sa akin at bumati, but since I was walking with my eyes on the floor, hindi ako napagpiyestahan ng mga mata sa paligid. Dire-diretso ang lakad ko papunta sa elevator. Habang naghihintay, tumunog ang cellphone ko para sa text ni Xaiver.

From: Xavi
This is just so ridiculous.

I pressed my lips together to not laugh. Baka isipin pa ng iba ay nababaliw ako habang nakatingin sa cellphone. Hindi na lang ako nag-reply at itinago na ang cellphone sa bag bago sumakay ng elevator.

Hindi katulad dati, my office was on the fifth floor. I didn't need to go up to the topmost floor just to work. Malapit lang din sa elevator ang department. The location was so convenient.

I noticed Mrs. Legaspi was standing near the door like she was waiting for someone. Working as Xaiver's personal secretary, I became acquainted with the board members and the department heads.

Mrs. Legaspi was the head of the marketing department kung saan ako pinasok. When she saw me approaching, she stood straight with her eyes wide open.

"Good morning, Chan—M-Mrs. Dela Vega," nautal siya sa pagbati. Pinigilan niya ang sarili sa nakasanayang tawag sa akin.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon