Autumn
"Here's your drink, sir. Enjoy!" Sabi ko sa lalaking nasa harap ko sa counter. Siguro nasa 50s or something na siya katanda.
Umalis ito agad sa shop, nag mamadali na rin siguro dahil gabi na o nag mamadali na siya. Morning shift kase ako at may papalit na rin sa akin dito maya-maya, iintayin ko nalang kahit twenty minutes na siyang hindi pa dumadating.
"Oh autumn, nandito ka pa pala? bakit hindi ka pa umaalis eh night shift na ni rachell ngayon ah" sulpot ni Jayson sa tabi ko habang inihahanda ko ulit ang order ng isang babaeng kasunod ng matanda kanina.
"Hinihintay 'ko pa kase si rachell na dumating, tska okay lang kahit mag tagal ako ng kahit ilang minuto dito" wala naman kase akong gagawin sa apartment ko maliban sa pag bibilang ng pera, kumain at matulog nang pagod.
"Ahh, sige una na 'ko ah" paalam niya. "Nag hihintay na kase yung pinsan ko, siya kase ang nag babantay sa kapatid 'kong may sakit. Bye autumn!" Nag kawayan kami sa isa't isa bago siya tuluyang lumabas sa pintuan kasabay ng babaeng kapapasok lang sa pinto.
"Sorry autumn ah, ayaw pa kase ako paalisin ng anak 'ko eh. Pwede kana umalis, sorry ulit" malungkot niyang saad sa akin. Ngumiti lang ako na nag sasabihin ayos lang.
"Okay lang ano ka ba, tska wala naman akong gagawin ngayong gabi. Sige una na 'ko ah? Ba-bye!" Paalam ko rito. Kanina pa kase naka handa ang bag ko na nasa gilid lang.
"Kuya, para po!" Tawag ko kay kuyang namamasada, huminto ito at pinasakay na ako sa tricycle.
Habang naka sakay ako sa tricycle ay biglang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito agad at sinagot. Si mama tumatawag.
"M-ma?" Kinakabahan kong tanong dito.
["Kailan ka uuwi? Kailan ka mag papadala?! Gusto mo bang mamatay sa sakit ang kapatid mo?! Hindi ka ba na aawa sa amin, sa kan'ya?"] Bungad niya sa akin. Gan'yan lagi ang sitwasyon namin, hindi manganga-musta, puro kailan ang ibubungad niya sa akin.
"Yes, 'ma. Ipapadala 'ko agad bukas na bukas" mabilis kong sagot dito na may bahid pang pangingilabot habang sinasabi ko iyon.
["Siguraduhin mo lang"]
"Opo 'ma" and that's it. tapos na, wala man lang panganga-musta o ano.
"Kuya, dito nalang po. Ito po yung bayad, salamat po" inabot ko na ang bayad dito at saka na umalis upang tahakin ang bahay kong parang squatter ang dating.
Ngayon ko na naramdaman ang matinding pagod lalo na ang katawan ko, parang pinag buhat ako ng maraming kahon dahil sa sobrang sakit ng likod at balakang ko.
Pag bukas ko ng apartment ko ay sinalubong ako agad ng katahimikan. Walang gaanong laman ang apartment ko dahil ako lang naman ang nandirito, tska ayos na rin yun para wala gaanong kalat sa paligid.
Hindi pa ako nag bibihis ng pang bahay na damit dahil aayusin ko muna ang dapat kong ayusin dito. Dumiretso ako sa ref kung may sapat pa akong mga stocks para sa buwan na ito, meron pa naman pero hanggang dalawang linggo nalang yata ang kakasiya dito.
Pumunta ako sa maliit kong kwarto upang kuhanin sa cabinet ko ang munti kong mga lata na may mga laman na ipon ko. Dito ko nilalagay ang mga sobra ko o ang mga bagay na pinaglalaanan ko.
"Bayad sa tubig, kuryente, sa renta," pag papatanda ko sa utak ko upang maka bisado ko ang lahat ng dapat kong bayaran. "Ay gamot pa pala ni Alyssa" muntik ko pa makalimutan.
YOU ARE READING
Where everything started in autumn [GxG]
Non-FictionAlexa Cassandra Simson member of pyro where she is one of the recognized second assassins in the group. the perfect woman in pyro. Autumn Amelie Cruz the girl who works at starbucks. have a beautiful smile that will complete your day. she is the gir...