WESIA. 5

7 0 0
                                    

Autumn

Nang maka sakay ako sa kotse niya ay inabutan niya ako ng towel. Habang pinupunasan ko ang braso at ang mukha dahil sa basa ito ay ngayon ko lang napansin ang suot niya. She was wearing a sports bra and high waisted leggings, including her hair down na nag bigay pa ng dagdag sa kagandahan niya.

She looks so hot

Iniwasan ko na ito ng tingin dahil baka pag kamalan niya pa akong naka titig sa pinag mamalaki niyang ano. I mean hindi naman ako naka titig, I mean kaunti lang naman nakita ko pero ang laki— ano ba! para ka namang manyakis, autumn.

"Salamat" pasalamat ko sa inabot niyang towel. Bakit kaya siya may towel at bakit ba siya naka sports bra? Nag g-gym ba siya ng gabi?

Naka kunot na ang noo ko kakaisip kung bakit gan'yan ang suot niya, baka may naka kita na sa kan'ya nang naka gan'yan sa labas tapos sobrang nakikita pa ang ano niya.

Dapat tinatakpan niya, paano nalang kung makita 'yan edi magagalit ako.

Ha? Ako magagalit? Luh, ba't naman ako magagalit eh hindi ko naman siya ka ano-ano.

"Gabi na diba? Bakit naka gan'yan ka pa rin? I mean, hindi naman sa pangenge-elam pero.." haynako autumn, minsan talaga ang bibig ay dapat i-shut up nalang natin.

"I just came from sa gym, then I saw you running under the rain" derekta niyang sagot sa akin pero parang may kulang sa sinabi niya na hindi ko malaman kung ano.

Isinantabi ko nalang iyon at inisip ang dapat kong gawin pag-uwi ko. Puntahan ko nalang kaya si Alyssa sa hospital para malaman ko na rin ang lagay niya, kung ayos pa ba siya roon kasama ni mama.

"Ah, sa hospital tayo pwede ba?" Tumingin ito sa akin nang nag aalala ang mukha.

"Why? you feel sick?" Inalis niya pa ang isang kamay sa manibela at inabota ang leeg ko upang kapain kung mainit ba ako.

"Hindi, maayos naman ako. May dadalawin lang ako roon" napa natag ang mukha niya nang sabihin ko iyon at tumango din pag katapos.

Iniliko niya ang sasakyan papunta sa daan kung saan ang hospital. Malayo kase iyon ng kaunti mula sa lugar na tinitirhan ko. Pinili ko talaga na sa malayo talaga ako naka tira para tahimik at walang gumagambala sa akin.

We also arrived at the hospital I was talking about, I got out of the car and bid her good bye.

"Thank you sa pag dala sa akin dito ah? Ba-bye!" Sabi ko habang naka baba ang bintana ng kotse niya.

"Don't say thank you dahil hindi libre ang pag sakay mo rito. Bukas nalang kita sisingilin kaya pupuntahan kita sa bahay mo" ha?? hindi iyon libre? aba kung pwede lang mag mura pero mabait ako kaya 'wag nalang.

Tumango nalang ako at tumalikod na sa kan'ya. I didn't look at her leaving in front of me because I went to say goodbye to her first. Kainis, akala ko pa naman libre iyon, scam siya. Ang ganda pa naman niya tapos scam? Bahala siya, hindi kami bati.

FO na kami.

Anong ibabayad ko sa kan'ya eh wala naman akong pera, kulang na kulang pa nga ang sinasahod ko para sa pang araw-araw ko tapos sasabihin niyang sisingilin pa niya ako?

Where everything started in autumn [GxG]Where stories live. Discover now