Autumn
Pina upo ko na siya sa maliit kong sala. Tahimik lang niya akong pinapanood sa bawat kilos ko sa loob ng bahay. Kinukuha ko kasi ang first aid kit ko.
"It's okay, daplis lang ito ng dagger kaya 'wag mo nang gamutin." Seryoso niyang sabi sa akin pero hindi ako nag patinag dahil kahit hindi ko siya kilala ay nag aalala pa rin ako sa sugat niya sa bewang.
Nilabas ko ang bulak at nilagyan ng alcohol upang malinisan ang paligid ng sugat. Kahit ayokong malagyan ng dugo ang kamay ko ay kailangan ko.
"Ayos lang, ako na" Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na bulak, nanginginig pa ito nang hinawakan niya.
Itinaas niya ang damit niya nang kaunti para malinisan nang maayos ang daplis sa balat niya. Hindi ko maiwasang mapa lunok ng laway dahil kahit nasasaktan na siya sa sugat niya ay.. ay ang hot niya pa din tingnan.
Iwinaglit ko nalang iyon sa aking isipan at tinulungan nalang siya. Ano bang iniisip ko! Babae siya at natural sa babae ang maging maganda at hot.. pero iba kase siya— Basta! Hot din naman ako, dami ngang nag kakagusto sa akin dahil sa long and black thick hair ko.
Ay ano ba 'to!
H'wag ka ngang asumera! baka nga walang nag kakagusto sa'yo eh, tambay siguro, Oo.
"Done staring? Kanina mo pa hawak yung damit ko, baka gusto mong ibaba din" walang bakas ng pag bibiro sa boses niya. Ibinaba ko agad ang damit niya dahil baka galit na siya.
Kung ano-ano kase ang iniisip mo eh!
"Sorry.." Sabi ko at kinuha nalang ang first aid kit tsaka ito inilagay sa dating pwesto. Bumalik ako agad sa kinauupuan niya saka siya tinanong.
"Ikaw pala yung babaeng tumakbo kanina. Ano ba kaseng nang-yare at bakit ka may sugat diyan?" I asked her worriedly, she just gave me a blank look and didn't say a word.
"I can't tell you" maikling sagot niya.
Tumango nalang ako dahil ayoko namang makulitan siya kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin. Hindi naman kami close kaya baka maging awkward lang, tsaka I respect her kung uncomfy siya mag sabi.
I have run out of questions even though I know there are many more I can ask, I just don't want her to feel uncomfortable just because I ask. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi kami close para mag tanong ako ng marami.
"Autumn" I extended my hand in front of her to gave her a shake hands. Tinitigan niya lang ito na parang ayaw makipag kamay.
Binawi ko nalang ang kamay ko dahil nagiging awkward na. Wrong move naman, autumn!
While I turned my back on her, pinapagalitan ang sarili dahil sa ginawang kahihiyan kanina. Bigla nalang may nag ring na phone or I must say may tumatawag sa phone niya, hindi sa akin yun dahil naka off na ang phone ko.
YOU ARE READING
Where everything started in autumn [GxG]
Non-FictionAlexa Cassandra Simson member of pyro where she is one of the recognized second assassins in the group. the perfect woman in pyro. Autumn Amelie Cruz the girl who works at starbucks. have a beautiful smile that will complete your day. she is the gir...