WESIA. 4

10 0 0
                                    

Autumn

"So, bakit nga kayo nandito?" Tanong ni Phix sa aming dalawa ng katabi ko sa sofa. "Autumn?" Tawag niya sa akin.

Nandito kami sa living room niya at may lamesang nasa harap namin kung saan may dalawang baso ng tubig para sa amin ng katabi ko.

"Nasa trabaho kase ako kanina at nasa loob ng locker ko ang mga gamit ko, Kasama na roon ang phone ko na naka silent. Pag tapos ko sa trabaho nakita kong marami kang tawag and unread messages from you, kaya nag alala ako na baka importante 'yong sasabihin mo" paliwanag ko sa kan'ya.

Nakaka pagod mag paliwanag jusko. Nakaka hingal.

"Ahh, kaya naman pala hindi ka sumasagot. But don't worry hindi naman ako nag tatampo. Hindi rin ako naka sagot sa mga tawag mo kase may tinulungan akong matanda sa labas ng condominium" Saad niya. Tumango ako kaya napa natag na ang loob ko. "Eh ikaw?" Baling niya sa katabi kong kanina pa tahimik.

"I have something to discuss with you kaya ako pumunta, but I saw her outside the condominium and the guard wouldn't let her in. Tinulungan ko na" her cold voice gives me shivers. She leaned back on the sofa as if she was tired of what happened.

Kumunot ang noo ni Phix sa sinabi ng katabi ko, habang ang katabi ko naman ay seryoso lang ang mukhang ibinibigay.

"Anyway, Kilala niyo na ba ang isa't isa?" Tumango ako ng paulit ulit habang ang huli naman ay nag 'hmmed' lang. Hindi ko alam kung bakit ako napa ngiti nang mag tanong si Phix.

"Yes, I know her, her name is AC, diba?" Pag tutukoy ko sa huli. Nagulat ako nang may sumigaw sa harap namin, grabe sumigaw parang baliw lang.

"Omg! Bakla ka!" Sigaw niya. "AC? As in AC ang alam mong pangalan niya? Eh ayaw na ayaw niya ngang tinatawag namin siya sa nickname na 'yon tapos ikaw pwede? Why so unfair, ate Alexa?!" Pag mamaktol pa nito sa huli habang ang katabi ko ay walang bakas na emosyon.

So.. ako lang ang gusto niyang tumatawag sa kan'ya ng nickname niya?

Stop Autumn! Feeling ka na naman!

Pero kinilig ako? No!

"Anong gusto niyo kainin? We have steak, salad, chicken, or gusto niyo mag pa deliver nalang tayo?" Tanong niya sa amin habang nag hahanap siya sa kitchen niya. Ulam palang parang mamahalin na.

Nandito kaya si kuya phoenix? Parang hindi ko kase nakikitang lumabas sa pintuan or umalis siya? I want to see him pa naman kung anong pinag bago niya. Kanina pa nga ako lumilingon kung saan-saan para lang hanapin siya.

Gwapo pa rin kaya siya?

Tumakad lalo?

Bumango lalo?

Nasa'n na ba kase siya?!

"Kung ipirmi mo kaya 'yang mukha mo?" Nagulat ako nang sabihin iyon ni Phix. Gano'n nalang ba talaga kahalata kung gaano ko siya gustong makita? "Kung hinahanap mo si kuya, sorry ka pero wala siya rito" binigyan niya ako ng nang aasar na mukha at tumawa. "Nasa trabaho 'yun, matagal pa uuwi" sabi niya at tumawa ulit.

"Sino bang nag sabi na hinahanap ko siya? Hindi kaya!" I defend my self kahit huling huli na ako.

"Sus! echos mo, ako pa lokohin mo ah!" Binigyan pa ako nito ng nakalolokong ngiti.

Where everything started in autumn [GxG]Where stories live. Discover now