Autumn
Nandito ako ngayon sa trabaho ko. Work day ngayon kaya busy pa ako. Gano'n din naman ngayon si Ac, may aasikasuhin din daw siya pero kapag may oras kami ay tumatawag kami sa isa't isa para manga-musta.
"Autumn, pwedeng paki serve 'to sa isang table? Ang dami kasing costumer ngayong umaga at wala pa si'na Franco at Mia"
"Sige, ako na bahala diyan" sagot ko nalang at kinuha ang ibang orders na ibibigay ko. Marami naman kaming impleyado dito pero 'yung dalawang waiter namin ay wala pa dito. Pinaubaya ko muna sa ibang cashier ang mga o-order para hindi sila mag intay ng matagal.
"Here ma'am, sorry if you waited for long. Ang dami po kasing costumer and wala pa po 'yung dalawa naming waiters" pag hihingi ko ng sorry sa kanila. Mukha naman silang mabait kahit sa tingin ko ay nasa 40s na sila or what.
"It's okay, walang problema" tumango nalang ako at nag pasalamat, saka umalis na sa harap nila.
This past few days ay nag kakaroon kami ng maraming costumers lalo na mga students. Malapit lang kase dito ang ibang university at mga company building kaya mabilis silang makaka punta.
"Autumn, pumunta ako sa locker room dahil may kinuha ako at narinig ko sa locker mo na may tumutunog. Check mo baka emergency" Sabi nito nang hindi naka tingin sa akin dahil busy siya kumuha ng mga orders.
Nang patakbo akong pumunta doon ay agad kong binuksan ang locker ko. Sinagot ko ito agad dahil si Ac pala ang tumatawag.
"Hi baby! How's my baby doing?" Tanong niya sa akin.
Grabe, nakaka wala ng pagod.
"Ayos lang ako pero busy kaya hindi ko agad nasagot ang tawag mo" Sabi ko habang inaayos ang gamit sa loob ng locker ko. Naiiwan ko kasi ito minsan na magulo.
"It's fine, I know busy ka. Did you eat your lunch na ba?"
Lunch?
Matagal akong hindi naka sagot. Tiningnan ko ang ibabaw ng phone ko at doon ko nakumpirma na oras na nga ng lunch.
"Y-yes, I did.." pag sisinungaling ko kahit sa totoo ay gutom na gutom na talaga ako"
"Sure? I'm not convinced by your answer baby. Tell me the truth" seryoso nitong tanong sa akin.
"Kakain din naman kase ako pag katapos nitong shift ko—" malambing kong turan sa kanya.
"You say, after your shift, right? It means mamayang gabi pa. You know I hate seeing you being tired nor starving, but why do you do it to yourself, hmm? Baby, you know I don't want that, right?" Sabi niya sa mababa pero seryosong salita.
"Pangako, pag tapos ko sa shift ko mamaya? Kakain ako agad ng marami—" naputol ang sinasabi ko dahil bigla niya akong binabaan ng telepono. Nagalit ba siya? Mang susuyo na naman ba ako mamaya?
Wala na akong nagawa kung hindi bumalik na sa trabaho dahil bawal ang ginawa ko kanina. Oras ng trabaho ko kaya trabaho lang muna at mamaya na ang kilig— I mean.. suyuan siguro?
Nag simula ulit akong mag serve sa mga customers dito.
I had been serving their orders for twenty minutes when someone came in with a paper bag. Anong ginagawa niya dito?
Napa hinto ako habang hawak ang mga ibibigay kong orders sa bawat table. May hawak siya na isang paper bag at parang may hinahanap dahil palinga-linga ito sa paligid nang dumapo ang tingin nito sa akin at ngumiti.
YOU ARE READING
Where everything started in autumn [GxG]
No FicciónAlexa Cassandra Simson member of pyro where she is one of the recognized second assassins in the group. the perfect woman in pyro. Autumn Amelie Cruz the girl who works at starbucks. have a beautiful smile that will complete your day. she is the gir...