WESIA. 10

11 0 0
                                    

Autumn

"Alexa, saan ba kase tayo pupunta, ha?" Tanong ko sa kanya habang nandito kami sa loob ng kotseng dala niya kanina papunta sa bahay ko.

"Basta. Trust me, okay? you will love them"

Them?

"Sino?" Naka tingin kong tanong sa kanya. Hindi kase ako mapakali kung saan niya ako dadalhin.

Nginitian lang ako nito at hindi sinagot ang tanong ko. Maya-maya pa ay pumarada kami sa isang mansyon na sa tingin ko ay mayamang tao lang ang nakatira dito.

Dito ba siya nakatira? ang yaman naman pala niya kung gano'n.

Bumaba siya at pinag buksan ako ng pinto sa kabila.

"Salamat" naka ngiti Kong pasasalamat.

Nang nag lakad kami sa pathway na limang tao ang lapad kung masusukat ko, ay para akong lalamunin sa laki nito. Parang kotse pa rin ang dadaan dito.

"Ac, kanino ba kase ang bahay na 'to?" Hinawakan niya ang kamay ko na para bang nag sasabing pag katiwalaan ko siya sa gagawin niya.

When we got to the big door of the mansion, my mouth fell open in amazement. I just saw a chandelier and a big ceiling. Ang sarap siguro rito tumira.

Pinag masdan ko ang paligid dahil sa sobrang ganda nito. Maya-maya pa ay may nakita akong sala kung saan may apat roon na tao.

Nandito pala si Phix? At si..

"Everyone!" Tawag sa kanila ni Alexa kaya lahat sila ay tumingin sa gawi namin. Nagulat ako nang sa akin sila lahat tumingin hindi sa taong tumawag sa kanila. "She's Autumn—" she was cut off because of Phix.

"Babe!" Sabay tumakbo ito sa akin at yumakap. Lahat ng mga taong nasa harap namin ay napa tayo dahil sa gulat. Pati si Alexa.

"Babe?" Alexa..

"Babe, I missed you so much! Ang tagal nating hindi nag kita" may pa pekeng iyak pa ito habang hawak ang dalawa kong kamay.

Nagulat ako nang ilayo ni Alexa si Phix sa akin at itinulak ito Kay.. Kay kuya phoenix. Grabe ang gwapo niya pa rin!!

Natakpan ang harapan ko dahil humarang ang huli sa harap ko. Hawak niya ang bewang ko habang may namumula na mukha. She also showed me her puppy eyes.

"Baby, what's that? what is the meaning of that, baby? Baby, please answer me" if you look at her, she looks like she has been robbed of something important.

Nag seselos ba siya? Kung oo, edi mag selos ka lang.

"What is the meaning of this, Ac? Bakit nandito 'yan?" Sabi ng isang mukhang koryano

"Ac, pag nakita siya ni jetro ay baka tutukan siya ng—" nilapitan naman siya ni kuya phoenix.

"Shut up you two!" Sa puntong ito ay naiinis na mukha na ang nakikita ko sa kanya. Muli niya akong hinawakan sa bewang at hindi pinansin ang ginawa niya kanina. "Baby, please answer me.. just look at me and ignore them. Ako lang, baby"

Where everything started in autumn [GxG]Where stories live. Discover now