CHAPTER 3:
Napalunok ako nang umupo ako sa harap ng magulang ni Chad. Hayop, kung no'n natatakot ako. Ngayon ay nahihiya ako sa mga titig nila. Walang bago eh, iniinsulto pa rin ang buong pagkatao ko.
"Look, who's here darling?" Tumawa ang mommy ni Chad at ngumisi.
Bagot naman akong tinitigan ng daddy ni Chad.
"Walang bago, basura pa rin. You may go."
Hindi ako nakasagot sa insulto sa akin ng mommy ni Chad. Kung tutuusin kaya ko siyang sagutin. Pero edukada akong tao at hindi ako pumapatol sa mga katulad niya. Mayaman na matapobre.
Nagpaalam ako nang maayos, tinalikuran ko sila nang marinig kong nagsalita ang mommy ni Chad.
"Sa ngayon, papayag akong secretary ka ni Chad. Hindi mo naman kasi siya malalandi. May girlfriend si Chad na magiging fiancée niya."
Pigil akong huminga nang malalim at naglakad papalayo. Nang lumabas ako nakita kong nakasandal si Chad sa pinto ng office niya. Blangko ang mukha nito na nakatitig sa kawalan.
"What took you so long?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Itsusero ka Chadwick, 5 minutes lang ako nawala namiss mo agad ako."
"I think you forget the word 'SIR'."
Nagkibit-balikat ako, whatever. Pareho lang 'yon pero sige mabait ako.
Binati kami ng mga empleyado niya at nakita ko kung paano sila tumitig sa akin. HA HA HA, sige tumitig lang kayo hanggang madedo kayo.
Lumabas na kami at syempre pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.
"Maaga kang matulog," mahinahon na sabi niya habang nagmamaneho.
Humagikhik ako.
"Nag-aalala ka ba sa akin?" Masama niya akong tinitigan.
"Tang4, marami kang gagawin bukas." Iniripan ko siya.
Wow, grabe talaga siya. Parang others ako rito ah.
"Hoy ikakasal ka na pala?" Mataman niya akong tinignan at binaling ang atensyon sa pagmamaneho.
"Mommy mo nagsabi sa akin." Narinig ko ang malakas na paghinga niya nang malalim.
"Seriously? Chismosa ka pa rin hanggang ngayon. God, Felicity." Natawa ako, ewan ko kung bakit.
Asar na asar siya sa sinabi ko eh. Nang makarating na kami sa gate ng bahay nila nagtaka ako kung bakit may paslit na nakaupo sa labas ng gate.
![](https://img.wattpad.com/cover/337357545-288-k253818.jpg)
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED)
RomanceAfter a year, she met again her ex. What makes it worst her ex will be her boss at the company that she applied for as a secretary. What would happen if two ex-lovers reunite again? What will happen if you found out that throughout the years your e...