Chapter 15

92 4 0
                                    

CHAPTER 15:

Napahampas ako ng noo ko nang makita kong inaaway ni Ian si Charlie kaya umiiyak.


"Ian, bakit nga pala hindi ko na nakikita si Jenny?" Natigilan siya sa tanong ko dahilan para tumakbo papalayo sa kaniya si Charlie.


Umupo ako sa tabi ni Ian.


"Umamin ka nga sa akin, Ian. Ano bang nangyari sa inyo ni Jenny?" Matagal niya akong tinitigan.


"Umalis na siya," mahinang sabi niya.


Dahilan para matahimik ako.


"Ian, hindi sa pakialamera ako. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na sobrang mahal ka ni Jenny. Hindi ako naniniwala na gusto ka lang ni Jenny kasi iniiyakan ka no'n. Sana, kung ano man nangyari sa inyong dalawa ay linawin niyo."


Yumuko si Ian at tinitigan ang sahig.


"Ian, ikaw naman. Kung ayaw mo talaga kay Jenny, sabihan mo sa kaniya."


"Nasabi ko na, pinagtabuyan ko na rin siya para tigilan niya ako."


Nagulat ako pero hindi ko pinahalata, hinawakan ko sa balikat si Ian.


"Ian, may gusto ka ba kay Jenny?"


Natigilan ako nang may tubig na pumatak sa sahig.


Luha pala niya.


"Akala ko, wala eh. Akala ko mas magiging masaya ako kapag walang nangungulit sa akin dito sa office. Akala ko lang pala..."


Humarap siya sa akin at nagulat ako nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.


"Pero no'ng araw na sinigawan ko siya at pinagtabuyan. Hindi naalis sa isip ko 'yong mukha niya, lalo na ang mga mata niya. Umiiyak siya, hindi niya ako sinumbatan o sinigawan. Umiiyak lang siya habang nakatitig sa mga mata ko. At ayon ang huling araw na nakita ko siya, hindi na siya pumasok sa office. Ang sabi ni Chadwick, nagpasa raw ng papeles si Jenny at umalis na ng company. Akala ko, biro lang 'yon kasi kilala ko si Jenny. Palagi niyang sinisira ang araw ko."


Hindi ko alam pero nangilid ang luha nang makita ko kung gaano miserable tignan si Ian.


"Ilang linggo na rin no'ng huli siyang nangulit sa akin. Inaamin ko na namimiss ko siya." Mapaklang ngumiti si Ian at tumingin sa kawalan.


"Inaamin ko na namimiss ko lahat ng mga bagay na ginagawa niya sa akin. Akala ko desperada lang talaga siya para makuha ako. Pero sobrang nagkamali ako." Niyakap ko si Ian at narinig ko ang mahihinang hikbi niya.


"Dahil huli na rin nang marealized ko na mahal ko siya at ayon 'yong araw na hindi ko na nakita ang presensya niya. Gusto ko siyang hanapin at manghingi ng sorry. Gusto ko siyang yakapin at magpasalamat dahil nagawa niya akong patawanin sa araw na malungkot ako. Gusto kong sabihin sa kaniya na m-mahal ko siya."

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon