Chapter 17

96 4 0
                                    

CHAPTER 17:

Naglalakad ako paalis sa mansyon, alam kong pilit akong hinahabol ni Charlie kanina pero hindi ako lumilingon.


Tumulo ang luha ko nang maalala ko kung paano umiyak at maghabol si Charlie sa akin pero hindi ko nagawang lumingon sa kaniya.


Hanggang sa makalabas ako tuluyan sa gate ng mansyon. Nakita ko pa kung paano tumitig sa akin ang guard na nasa gate. Hindi ko na lang pinansin.


Natigilan ako maglakad nang maalala ko na hindi ako pwedeng umuwi sa amin. Malilintikan ako kapag bumalik ako sa kanila.


Napalunok ako nang makita ko na madilim na sa daan. Umupo ako sa waiting shed at sumandal sa upuan. Pagod na akong maglakad. Tinitigan ko ang langit na kitang-kita ang mga tala na kumikinang.


Bigla akong tinamaan ng kadramahan ko at talagang umiyak na naman ako.


BADTRIP! AYOKO NANG GANITO!


Imbis na makaramdam ako ng takot kasi walang dumadaan na jeep dito sa kalsada parang mas gusto ko pa na mag-isa na lang muna.


Natigilan ako sa pag-iyak na may lalaking umupo sa kabilang upuan dito sa waiting shed na inuupuan ko. Hindi ko tinapunan ng tingin ang lalaki. Aba, nasasaktan ako. Wala na akong pakialam kung ano iisipin niya.


Hindi na ako nagulat nang malakas na umulan. Niyakap ko ang dala kong maleta at patuloy na umiiyak. Feeling ko nabasa na talaga mga gamit ko sa loob ng maleta ko.


Akala ko sa drama lang nangyayari ang mga ganito. Pero sa totoong buhay rin pala. Grabe, ang sakit lang sa part ko na kung ano-ano sinasabi niya sa akin.


Hayop ka talaga, Chadwick. Ang sakit mo sobra.


"Alam mo, iniwan ako ng asawa ko," mapaklang sabi ko.


Naramdaman ko na tumingin siya sa gawi ko.


"Pinagbintangan ba naman ako na magnanakaw at malandi raw ako," piyok na sabi ko.


"A-Ang sakit lang, hindi niya ako pinakinggan. M-Mas pinakinggan niya magulang niya. Kung sa bagay, magulang niya 'yon eh. Sino ba naman ako hindi ba?"


Hindi ko pa rin tinatapunan ng tingin ang lalaki. Nakakahiya pero gusto ko talagang magsabi ng sama ng loob.


"May picture pa na nakikipags3x daw ako kuno tapos picture na nagnakaw ako sa kumpanya niya. Ang kapal ng mukha nila." Hinawakan ko ang dibdib ko.


"S-Sakit, ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta. A-Ayokong umuwi sa amin dahil ang alam nila mama na asawa ko na siya."


Lumingon ako sa kalsada.


"Isa pang jeep 'yan, hayop na jeep yan. Wala man lang dumadaan, sumasabay pa sa nararamdaman ko pati 'yang ulan."

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon