Chapter 1

364 17 0
                                    

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER

CHAPTER 1:

Halos mabaliw ako sa boses ng pamilya ko .

"Anak kailangan mo ba talagang umalis? Akala ko ba secretary ko sa opisina? Bakit doon ka sa bahay ng amo mo matutulog?" Kunot noo na tanong ni nanay.

Napaisip ako bigla, kung sabagay ay may point si nanay.

"Ate baka naman gawin ka lang yaya ng amo mo." Simangot akong lumingon sa kapatid ko.

"Haynaku, hindi na bale na! Aalis na ako sige na hug at kiss niyo na ako." Lumingon si tatay sa gawi namin.

Ayaw niya akong payagan pero syempre wala siyang magagawa. Sayang naman din 'yong tinapos ko sa kolehiyo kung hindi ko naman gagamitin. Hinalikan nila akong lahat pati si tatay at sinabihan ako na umuwi raw agad ako kapag may ginawang hindi maganda ng amo ko.Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay.

"Mamimiss ko kayo!" Ngumiti silang lahat at sabay-sabay na kumaway sa akin.

Hays, bagong buhay na bagong ako emz. Hawak ko ang papel na palatandaan na may interview ako sa amo ko. Actually kaya raw sa bahay dahil nandoon din daw ang opisina na ng amo ko na 'yon kaya may choice pa ba ako? Syempre wala mga sissy.

Dahil sa dami kong dala halos hirap na ako maglakad papuntang sakayan ng bus. Pambihira naman kasi, para akong lilipat ng bahay.

Nang makasakay na ako ng bus ay mabilis na umikot ang mata ko sa upuan.Pisti naman oh! May nakaupo sa paborito kong pwesto! Padabog akong umupo sa tabi ng lalaki at sa hindi sinasadya parang..

IBA 'YONG INUUPUAN KO!

"What the heck?" Nakasunglasses ito at face mask kaya hindi ko makita kung ano itsura niya.Mabilis akong umupo sa tabi niya at nagtakip ng panyo sa mukha.

"S-SORRY!"

What the fck be? Umupo ako sa lap ng isang stranger!! Kaya pala may matigas! Halos mamula ang buong mukha ko sa kagagahwn ko.

Dahil sa bored ako at tatlong oras ang biyahe pa papuntang Manila ay hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Nagtataka ako bakit sobrang comfortable ng pagkakasandal ng ulo ko kaya dumilat ako.

At jusko! Anong kahihiyan ba ang ginagawa ko?!

Nakasandal ako sa balikat ng isang stranger!

"Tsk, bakit ba ang daming tang* sa mundo? Kadiri, tumulo pa laway sa mamahalin kong coat."

ANO RAW?! AKO TANGA?!

"HOY! FYI LANG AH?! HINDI AKO TANGA! ANTIPATIKO!"

Nagkibit-balikat ako at masamang tumitig sa lalaki na nasa tabi ko. Aba! Nakakainis 'tong lalaking 'to!

Hanggang sa makababa ako ng bus ay hindi ako makamove on sa nangyari. Bwisit! Nakakainis pa rin!

Mabilis kong hinanap ang address ng amo ko at kumunot ang noo ko. GASTOS NA NAMAN?! NEED PANG MAG TAXI PAPUNTA SA BAHAY NITONG AMO KO!

"Kuya dalhin mo nga ako sa address na ito." Kinuha ni kuya ang maliit na papel.

Mabilis na nagmaneho si kuya at halos matampal ko ang noo ko nang huminto siya sa kanto.

"Ma'am, bawal nang ipasok ang taxi ko dahil mahigpit diyan sa lugar na 'yan."

"Okay, magkano kuya?"

"500." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.

"ANO KUYA?! 500?! BAKIT GINTO BA 'YANG USOK NG SASAKYAN MO?! GRABE PRESYO YAN EH KANTO LANG NAMAN!" Masamang tumitig sa akin si kuyang driver.

"Ma'am wala ng mura sa mundo kaya magbayad ka na!"

Sa sobrang inis ko ay nagbayad na lang ako. Bumaba na ako at kinuha ang mga gamit ko. Naglakad ako papuntang gate at halos magulat ako sa nagsalita sa likod ko.

"Bawal pumasok dito ma'am." Binigay ko ang maliit na papel at kamot ulong lumingon sa akin si kuya.

"Ma'am diretso ka lang po, tapos liko ka sa kaliwa tapos kapag may nakita kang gate na silver liko ka sa kanan tapos may makikita kang gate na kulay gold. Doon na po 'yon."

Mabilis na nagloading utak ko kaya tumango na lang ako. Lintik na mga paliwanag yan wala akong naintindihan. Habang naglalakad ako ay para akong nalulula sa mga nakikita ko.GRABE ANG LAKI RITO! Huminto ako sa paglalakad nang nakita ko ang gate na kulay gold.Mabilis kong pinindot ang doorbell at tinignan ang sariling repleksyon ko sa gate.Wow, ganito pala feeling kapag ngayon ka lang nakakita ng ganitong klaseng gate. At sa sobrang inip ko ay paulit-ulit akong nag doorbell.

Nagulat ako nang buksan ng isang lalaki ang isang gate. OMG! NAKATOPLESS SIYA!

Nagtakip ako ng mata ko.

"Who the hell are you?"

"Ahh ako 'yong mag-apply ng secretary. Dito kasi 'yong address na binigay no'ng isang company na pinasukan ko no'ng nakaraan."

Malapad na ngumisi ito at tinignan ang kabuoan ko.

"Come in." 

Halos kinilabutan ako sa mga titig nito. Mukhang playboy itong mokong na 'to, feeling pogi eh pogi naman talaga. Hindi ko maiwasan tignan ang likod ng lalaking nasa harap ko. Grabe sobrang ganda ng katawan niya siguro magaling siyang umano.

Magaling siyang sumayaw! Binuksan nito ang pinto at halos malaglag ang mga gamit ko sa nakita ko.

WTF? SIYA! SIYA 'YONG LALAKI NA NASA BUS NA NAUPUAN KO SA LAP NA DINUMIHAN KO ANG COAT GAMIT ANG LAWAY KO!

DON'T TELL ME NA SIYA ANG AMO KO?!!

"Pwede ka nang umalis." Kinindatan ako ng lalaking nakatopless bago umalis.Yuck.

"So your name is Felicity Raya C. Hernandez?" Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at face mask sabay tungga ng isang wine.

Halos malagutan ako ng hininga ko.CHADWICK?!

"I am Chadwick Louis A. Rivera, your boss. From now on. you're now my official secretary. Lahat nang ipapagawa ko ay dapat matapos sa oras. Naiintindihan mo ba?" Gulat pa rin akong nakatingin sa lalaki.

Pakshet na malagkit.

"Ms. Felicity?" Tumango ako.

"Dalhin mo na ang gamit mo sa taas, magsisimula ka na mamaya."

Tinignan ako nito.

"C-Chadwick."

Mabilis na kumunot ang noo nito.

"Sir. CHADWICK."

Napahampas ako ng noo ko at hindi makapaniwalang tumingin sa lalaking naglalakad na papalayo. Hindi pa man ito nakakalayo ay lumingon ito sa gawi ko.

"Don't worry, trabaho lang dito at walang personalan." Naglakad siya papalayo.Ngumiwi ako at umakyat na sa taas.

Halos isang oras akong nakatulala sa kisame. Sinusumpa na ba ako? Sa dami ko ba naman magiging amo ay 'yong ex ko pa?! At putangna bakit wala man lang nakalagay na pangalan doon kung sino amo ko?

OO, EX KO SI CHADWICK!

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at niluwa si Chadwick. Mygod, nakakatakot siya parang dati lang emz.

"Lumabas ka na at may uutos ako sa 'yo Ms. Felicity." Dahil sa kakamadali ko ay natisod ako at tumama ang mukha ko sa dibdib niya.

Narinig ko paghinga niya nang malalim at masama akong tinitigan.

"Clumsy ha. Until now, you've never changed FELICITY."

Itutuloy.....

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon