CHAPTER 9:
Nakaramdam ako ng init mula sa sinag ng araw na galing sa bintana ng kwarto. Kaya dinilat ko ang dalawang mata ko at laking gulat ko nang makita ko si Chadwick na tulog na tulog. Pero namilog ang mata ko sa posisyon naming dalawa. Nasa ibabaw pa rin ako ni Chadwick at yakap-yakap niya ako. Mabilis na nag-init ang mukha ko sa pwesto naming dalawa dahil sa hiya. Kaya sinubukan ko ng alisin ang dalawang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko.
Isa...
Dalawa...
Tatlo!
Yes! Naalis ko ang kamay niya na nasa bewang ko! Mabilis akong bumangon at dahan-dahan bumaba sa kama. Hindi pa ako nakakahakbang pababa sa kama ay mabilis akong hinila ni Chadwick dahilan para bumalik ako sa pwesto ko.
"CHADWICK!" Nakapikit ang dalawang singkit na mata nito.
Mabilis niyang pinalupot ang braso niya sa bewang ko.
"Dito ka lang." paos na boses na sabi niya.
Mabilis kong naamoy ang hininga nito. Bigla akong nahiya sa hininga ko, guys feeling ko amoy tae 'yong akin. Nakakahiya sa hininga ko, amoy menthol ba naman 'yong kaniya.
"Malalate ako sa trabaho!" Dinilat niya ang dalawang mata niya at tumitig sa akin.
"What about it? You are my WIFE. You don't need to worry about your job."
Iniripan ko siya.
"Ikaw? Hindi ka ba papasok?" Umiling siya na ikinagulat ko.
"I know what you're thinking; I am the boss in my company. Why would I need to consider whether or not to go to work? I have my office here in my house."
Akmang tatayo na ako nang higpitan niya ang hawak sa bewang ko.
"Chadwick!" Umiling siya.
"That's not my name, wife." Tinignan niya ang kabuoan ng mukha ko.
Ngumiwi ako, parang tinitignan naman nito ang kaluluwa ko.
"Tell me, how much do you love me after leaving me about four years ago? or let me ask you about how much you love now." Hinaplos nito ang buhok ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa tanong niya. Hindi ako nakasagot at napalunok ako sa tanong niya.
"Because if you are going to ask me how much I loved you before and now, I don't think I can describe how much I do love you. You made my world turn upside down; you taught me so many lessons; you made me the happiest man. I mean, I don't want to tell you how much I do love you. Because my love for you is more than that."
Natigilan ako sa sinabi niya, ano bang pinakain ko rito at bakit ganiyan siya?
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED)
RomansaAfter a year, she met again her ex. What makes it worst her ex will be her boss at the company that she applied for as a secretary. What would happen if two ex-lovers reunite again? What will happen if you found out that throughout the years your e...