Chapter 14

136 2 0
                                        

CHAPTER 14:

Bumungad si Charlie sa higaan namin ni Chad. Hinaplos ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan ang mukha ng batang ito. Ano na naman kaya ang naisip niya at dito natulog?

Hinalikan ko ang noo ni Charlie.

Sino kaya ang magulang ng batang ito? Bakit iniwan na lang bigla? Hindi ba sila naawa kay Charlie?

Napaisip tuloy ako. Gwapo si Charlie. Hindi nalalayo ang mukha niya kay Charles. Ang iniisip ko, siguro maganda at gwapo ang magulang ng batang ito.

Kung hinanap niyo si Chad, wala rito. Pumunta siya sa office niya at hindi man lang talaga ako ginising. Nakakainis, pero nag-iwan siya ng maliit na papel sa table. Nakasulat doon kung bakit hindi niya ako ginising.

“Mommy?”

Humalik si Charlie sa pisngi ko.

“Punta tayo sa office ni daddy.” Ngumiti ako at tumango.

“Tinawag mong daddy si Chad?” Tumango siya.

“He let me call him daddy.”

Inayusan ko si Charlie bago ang sarili ko. Hindi na kami nagdamit nang sobrang ganda; ang mahalaga ay naligo kami ni Charlie.

“Give this headband to daddy, please.” Inabot niya ang headband dahilan para kumunot ang noo ko.

“C-Charlie, baka magalit si Chad.” Umiling siya.

“Please? And this is for you.” Ngumiti ako nang isuot niya sa akin ang headband.

May headband din siya na may design na Garfield.

Lumabas kami ng kwarto at nakita ko ang paglingon ng tatlo sa gawi namin.

“HAHAHAHAHAHAHA!” Masama kong tinitigan ang tatlong kumag na tinatawanan kami ni Charlie.

Nakita kong ngumuso si Charlie, aalisin na sana niya ang headband nang umiling ako.

“Don’t mind them, tara na.”

Nang tumalikod kami ay narinig ko ang sigaw ni Charles.

“Nasa office si Jhenina, bilisan niyo.”

Napangiwi ako nang lumabas kaming dalawa ni Charlie.

May dalawang sasakyan dito pero hindi ako marunong magmaneho. May motor pero hindi ako marunong magpatakbo. Isa lang ang option ko: ang bike.

“Angkas ka na lang sa akin, Charlie.”

Umangkas si Charlie sa bike ko sa likod at sinuotan ko siya ng helmet. Narinig ko ang pagtawa niya nang magsimula na akong pumadyak.

“YEYYY!! BILISAN MO PA, MOMMY!”

Ngumiti ako at medyo binilisan ang pagpapadyak ko. Hindi sobrang bilis pero tama lang. Nang makarating kami sa gate ng opisina, mabilis kaming hinarang.

Bago yata ang guard at hindi niya ako namukhaan.

“Ma’am, bawal po kayo rito.”

Nagulat ako nang hubarin ni Charlie ang helmet at lumingon sa guard.

“A-Ay, pasensya na po. Sige po, p-pasok na kayo.”

Kumunot ang noo ko at tinignan si Charlie na nakangiti nang malapad.

Sinuot ulit namin ang headband at nilagay ang bike sa parking lot. Malayo pa lang kami ay narinig ko na nagkakagulo sa office, kaya nagmadali kami ni Charlie maglakad. Nang makapasok kami sa opisina, nagulat ang mga tao ro’n, lalo na kay Charlie.

“M-Ma’am?”

Nagulat ako nang humarang na pumunta sa CEO office ng isang empleyado kaya mabilis ko itong pinagalitan.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon