CHAPTER 2:
Gagita ka talaga self! Nakita mo ba ginawa mo kay Chad? Mygosh! Sumisid ka lang naman sa dibdib niya!
"Lumulutang na naman ang utak mo, Ms. Felicity?" Masamang titig ang natanggap ko sa kaniya.
Ngumiwi ako, parang hindi naman ako minahal nito emz. Charot! Charot lang!
"Ayusin mo 'to." Halos lumuwa ang mata ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa mga papeles at folders na nasa harap ko.
"Kailangan around 5 pm tapos na 'yan." Umupo siya doon malapit sa table niya at iniwan akong nakatunganga.
"YES SIR. CHADWICK." Umangat siya ng tingin at umigting ang panga niya.
Gumaganern na siya mga sis.
"Galit ka ba?" Mabilis akong umiling at ginawa na ang mga pinapagawa niya.
Hindi ko napansin na tapos ko na pala ang pinapagawa ng BOSS KO. Tumingin ako sa gawi niya na ngayon ay may kausap sa telephone. Kung tatanungin niyo kung bakit kami naghiwalay noon aba isa lang ang sagot. Ako ang nang-iwan sa amin dalawa. Siguro about four years ago na rin kaming hiwalay. Actually hindi ko naman gusto na maghiwalay kami, sobrang mahal ko si Chad noon.
I mean alam mo 'yon pareho kaming nag-aaral pa noon sa college. Ang daming nagkakagusto kay Chad no'n pero ako 'yong pinili niyang ligawan. Wala akong idea na mayaman si Chad no'n kasi pareho kaming nasa public school. Sa pagkakatanda ko pa ay scholar siya sa school namin. Kaya sobrang nagulat ako no'n, no'ng ipakilala niya ako sa parents niya. That time, wala akong nakitang may kapatid si Chad kasi parents niya lang ang nameet ko. Hindi ko alam kung may kapatid nga ba talaga si Chad.
Of course, nag-ayos ako no'n bago ko makilala iyong parents ni Chad. Kaso alam mo 'yon, no'ng nakita ko parents ni Chad sa restaurant. Gusto kong umatras, sobrang nakakaliit sa sarili 'yong mga titig nila. Kaya no'ng umalis si Chad sa restaurant ay nagulat ako nang sinabihan ako ng magulang ni Chad na hiwalayan ko anak nila. Parang nasa palabas lang ano?
Sinabihan nila ako na mayaman si Chad at hindi nababagay si Chad sa akin. Nasaktan ako syempre, ayoko sanang hiwalayan si Chad noon. Kaso iba pala talaga galawan ng mga mayayaman. Hindi ko na raw makikita si Chad at sisirain nila ang pamilya ko kung hindi ko hihiwalayan anak nila.
Tanda ko pa na september kami naghiwalay no'n, halos gumuho ang mundo namin pareho no'ng naghiwalay kami. Naalala ko pa no'ng humahakbang ako papalayo, rinig na rinig ko 'yong sinabi ni Chad na hanggang ngayon naguguilty pa rin ako sa ginawa ko. Sabi ni Chad no'n, "Sabihin mo lang na mahal mo ako, iiwan ko ang buhay na meron ako sa pamilya ko. Magsisikap akong mag-isa kung sila ang dahilan kung bakit mo ako iiwan. J-Just please, don't fckin' leave me."
Umiiyak ako no'n habang humahakbang papalayo, hindi ko sinagot 'yong gusto niyang sabihin at marinig niya galing sa akin. Natatandaan ko pa na niyakap niya ako no'n habang nakatalikod sa kaniya. Umiiyak siya, pareho kaming umiiyak pero hindi ko kaya na guluhin ng magulang niya ang pamilya ko. Kaya nagmatigas ako no'n at iniwan ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/337357545-288-k253818.jpg)
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED)
RomanceAfter a year, she met again her ex. What makes it worst her ex will be her boss at the company that she applied for as a secretary. What would happen if two ex-lovers reunite again? What will happen if you found out that throughout the years your e...