Chapter 22

93 3 0
                                    

CHAPTER 22:

Nang makauwi kami galing Star City, walang kumibo ni isa sa aming dalawa simula kahapon. Aba, ayaw ko nga! Nakakahiya 'yong ginawa ko sa kaniya! Kahit kahapon pa 'yon!


"Eli? Iyong nangyari kanina, kakalimutan ko na lang. Ayokong hindi ka comfortable na kausap ako." Ngumiti siya dahilan para takpan ko ang mukha ko.


MALANDI KA FELICITY! PINAGTATAKSILAN MO SI CHAD!


Eme, siya nga may girlfriend na eh.


Nanlaki ang dalawang mata ko nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at marahan na binaba ang kamay ko.


"Eli? Sabi ko, kakalimutan ko na lang 'yong nangyari kahapon. Ayoko lang na hindi ka comfortable sa akin tapos magkasama pa tayo sa condo ko."


NO! PARA AKONG KINUKURYENTE SA HAWAK NIYA!


"May lagnat ka ba?" Hinaplos niya ang noo ko.


"Wala naman eh, pero pulang-pula ang pisngi mo." Pinisil niya ang pisngi ko dahilan para manigas talaga ako sa inuupuan ko.


Hindi ko na kaya! Mabilis akong tumayo at tumungo sa balcony. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. HAYOP! MAMAT4Y AKO RITO!


Unang-una, kinuha ko first kiss niya. Pangalawa, hinalikan ko siya no'ng nakasakay kami sa Giant Star Wheel. ANONG PANGATLO?!


"Ayaw mo naman akong kausapin eh, ikaw na nga 'tong humalik sa akin." Ngumuso siya habang nakatingin sa labas ng balcony.


HUWAG MO NANG IPAALALA! NAHIHIYA AKO!


Napalunok ako at humarap sa kaniya.


"Sorry, nahihiya lang kasi ako." Tumawa siya nang mahina sa sinabi ko at humarap sa akin.


"Anyways, invited tayo sa kasal ng ex-husband mo." Mabilis na nanlaki ang mata ko.


Hindi agad akong nakapagsalita, mabilis na nagtubig ang dalawang mata ko. Joke ba ito?


"Seryoso ba?" Tumango si Gavin sabay haplos ng luha sa pisngi ko.


"Hindi ka naman kasabwat ni Chadwick hindi ba? Hindi mo naman pakana ito?" Kumibot ang labi ko habang nagsasabi sa kaniya.


Matagal niya akong pinagmasdan.


"Kahit kailan, hindi magiging masama ang intensyon ko sa iyo. Alam mo 'yan, kasi kung masama ang intensyon ko. Noon pa lang, hinayaan na kita no'ng nagkita tayo sa waiting shed." Ngumiti siya at hinaplos ang luha ko na paulit-ulit na tumulo sa dalawang mata ko.


"Gusto ko lang din sabihin na ngayon ang kasal nila." Mabilis akong napaupo sa narinig ko.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon