Chapter 24

133 7 0
                                    

CHAPTER 24:

Tulala ako habang nasa sasakyan ni Gavin. Halos hindi ko kinaya ang mga nalaman ko sa mansyon kanina. Para akong dinudurog sa tuwing naiisip ko kung bakit hanggang ngayon ay pilit kaming pinaghihiwalay ng mga taong nasa paligid namin?


Tinignan ko si Gavin na ngayon ay may kausap sa cellphone habang nasa labas ng sasakyan. Nakita niya yatang nakatingin ako sa kaniya kaya pumasok siya sa sasakyan.


"Settled na lahat, you don't need to worry about him and his wife."


Niyakap ko si Gavin at nagpasalamat sa kaniya.


"Salamat, para ka talagang savior." Tumawa siya at nagsimula nang magmaneho.


"Actually, I am not. Tinutulungan lang kita."


Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ang lalim ng mga iniisip ko? Kahit wala naman talagang pumapasok sa isip ko.


Para lang akong lutang na nakatulala sa kawalan. Wala naman katanungan ang mga naiisip ko dahil halos lahat naman na ay nasagot na. Pumapasok lang sa isip ko ay ang mga sinabi ni Chad kanina.


Huminga ulit ako nang malalim habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Gavin.


Naramdaman ko na lumuwag na rin ang mabigat na nararamdaman ko nang malaman ko ang katotohanan kahit masakit. Tanggap ko na rin na kahit kailan ay hindi na magiging kami ni Chad. Ayoko rin naman maging kabit ano. Hindi ko pinangarap sa buhay ko ang manghimasok sa buhay mag-asawa.


"Gavin, magkano nga pala ang utang ng magulang ni Chad sa pamilya ni Zayell?"


Matagal bago nakasagot si Gavin.


"Three million."


Para akong nabilaukan sa sarili kong laway.


"ANO?! MAY PERA KA BANG GANIYAN KALAKI?!"


Natawa si Gavin sa reaksyon ko.


"Yes."


Kumurap ako at tumingin ulit kay Gavin. Kung iisipin naman, mayaman talaga si Gavin. Bakit ba ako nagtataka sa mokong na ito?


"Alam mo? Tanggap ko na lahat. Lalo na sa part na hindi na talagamagiging kami ni Chad."


Hindi ako umiyak o ano man. Tumingin ako kay Gavin na ngayon ay diretso lang ang mata sa kalsada.


"I'm so happy for you, woman."


Huminto ang sasakyan at hindi ko napansin na nasa condo na pala kami ni Gavin. Mabilis akong lumabas sa sasakyan at gano'n din si Gavin. Sabay na kaming pumasok sa loob ng building at tahimik lang akong sumusunod kay Gavin.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon