EPILOGUE

200 18 0
                                    

EPILOGUE:

Hindi ako makatingin sa lalaking tinatanaw ko sa malayo. Napaatras ako nang makita kong tumingin siya sa akin at kumaway. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya at yakapin.


"Mag-ingat ka," bulong ko. Dahilan para tumawa siya nang mahina at halikan ang tuktok ng noo ko.


"Ikaw rin, ingatan mo sarili mo. Katulad sa kung paano kita iningatan noon." Mabilis kaming nagkatinginan nang marinig namin ang announcement dito sa NAIA.


Napalunok ako at napaiwas ng tingin nang ayusin niya na ang maleta niya.


Sabihin ko ba na mahal ko siya?


Handa na ba akong sumugal ulit?


Sabihin ko ba na ayokong umalis siya?


Napatingin ako kay Gavin nang halikan nito ang noo ko.


"May gusto ka pa bang sabihin?" Umiling ako.


"Mahal kita, Eli. Kung babalik man ako, papakasalan kita. Kung hindi man, sana matutunan mo rin mahalin ang lalaking magmamahal ulit sa iyo." Pinisil nito ang pisngi ko at ngumiti.


Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Mabilis na tumulo ang luha ko nang makita kong umakyat na siya papasok sa eroplano.


Hindi ko nasabi...


Hindi ko nasabi na mahal ko siya.


Mabilis akong tumalikod at pinahid ang mga luha ko na sunod-sunod pumapatak.


"Mahal kita, Gavin. Makahanap ka sana ng babaeng para sa iyo."


FIVE YEARS LATER....


Limang taon na rin ang nakakalipas simula no'ng huli kong makita si Gavin. Wala na akong balita sa kaniya pagkatapos no'n. Nagsisisi ako noon kasi hindi man lang ako umamin sa kaniya na mahal ko rin siya at hindi ko siya binigyan ng chance. Actually, secretary pa rin ako pero sa ibang company na ako nagtatrabaho.


Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung kumusta na si Gavin o kaya maya girlfriend na siya? Hindi man lang niya ako naaalalang padalhan ng sulat o kahit update man lang. Nakakatampo pero syempre sino ba naman ako hindi ba? 


Umupo ako sa tabi ni Jacob na ngayon ay kumakain ng corndog.


"Kadiri ka talaga kumain!" Iniripan ko siya nang tawanan niya ako.


"Masaya ba maging single?" Tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya.


"Oo, bakit?" Tumawa siya at umiling.


"Wala lang, ako kasi hindi eh. Pero mas masaya ako sa iyo kasi may kahati ako sa lahat." Mabilis kong tinaas ang gitnang daliri ko.


TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon