CHAPTER 7:
"FCK! FCK! FCK!" Malakas niyang hinampas ang lamesa na nasa harap niya at masamang tumitig sa kawalan.
"Hoy anong nangyayari sa 'yo?" Huminga siya nang malalim at tumingin sa gawi ko.
"Hug me, wife." Kumunot ang noo ko pero niyakap ko na lang siya.
"Nandito na si Jenny sa Pilipinas." Tumawa ako nang mahina.
"Ano naman?" Pinitik niya ang noo ko.
"Idiot." Malakas ko siyang hinampas sa braso.
"Masakit ah!"
Masama pa rin ang mukha nito kaya may naisip akong kalokohan. Mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya sa labi.
Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko, nagkatinginan kami. Mabilis siyang umiwas ng tingin at bumalik sa pwesto niya. Kaya lumapit ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya.
"Bibilhan lang kita ng kape, hubby." Tatalikuran ko sana siya nang marahan niyang hatakin ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa lap niya.
Nanlaki ang dalawang mata ko at gulat na tumingin sa kaniya. Pinalupot niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko.
"Five minutes, wife. Then you can go outside."
Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Para akong nakukuryente sa bawat hawak niya sa akin.
Hindi ko alam pero parang ang bagal ng oras. Napansin kong lumuwag ang yakap niya sa akin.
"Do you want me to come with you?" Mabilis akong umiling at tumayo na.
"Kaya ko naman." Tumango siya.
He kissed my forehead.
"Take care, wife. I love you." Ngumiti siya.
Tumalikod na ako pero bago ako lumabas ng pinto ay lumingon ako sa gawi niya.
"I love you too." Umangat siya ng tingin.
Sumilay ang ngiti niya sa labi niya. Nang lumabas na ako sa pinto ng office niya napansin ko na may lalaking nakatayo sa harap ko.
"Andiyan ba si Sir Chad?" Tumango ako at ngumiti.
"Thank you, ma'am." Kumatok muna siya bago pumasok sa loob.
Lumabas na ako, hanggang sa makalabas ako ng building ng office ni Chad. Hindi pa man ako nakakalayo nang may nabunggo akong babae.
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED)
RomansaAfter a year, she met again her ex. What makes it worst her ex will be her boss at the company that she applied for as a secretary. What would happen if two ex-lovers reunite again? What will happen if you found out that throughout the years your e...