Chapter 11

124 3 0
                                    

CHAPTER 11:

Dumating kami sa office at nagulat ako nang yumakap sa akin si Jenny.


"Omg! Dito na ako magtatrabaho! Palagi ko nang makikita si Ian my loves ko." Ngumiwi ako pero mabilis kong sinundan nang tawa ang ngiwi ko na iyon.


"Ano bang meron kay Ian at gustong-gusto mo siya?" Mabilis na kuminang ang mata niya sa tanong ko.


"Eh kasi! Hihihihi! No'ng high school kami talagang deds na deds ako kay Ian. Ang talino niya kaya! Tapos sinayaw niya ako no'ng JS prom! Tapos no'ng college, sinundan ko siya. Hays nagkaroon siya ng girlfriend. Pero now na single siya? HAHAHAHA! Kukulitin ko siya hanggang sa mabadtrip siya sa akin!" Mabilis ko siyang binatukan. Lokaret 'tong gag4ng ito.


Napansin kong mabilis na nawala si Jenny sa tabi ko at syempre hindi na ako nagtaka. Hinahabol niya si Ian, napailing ako. Kung ako naman kay Jenny, hindi ko na ipipilit ang sarili ko kay Ian.


Marami naman iba riyan na siguradong makikita ang halaga niya.


"Hello baby!" Mabilis akong napalingon sa gilid ko at may kumag na umakbay sa akin.


"Ngayon lang kita nakita rito, anong trabaho mo rito? Gusto mo ba maging girlfriend ko na lang?" Mabilis kong tinanggal ang akbay niya.


Aba, ang yabang nito. Ngumisi ang lalaki sa gilid ko nang iripan ko siya. Hahawakan sana ng lalaki ang bewang ko nang may nagsalita sa likod namin.


"Fck off, don't you fckin' dare to touch my wife."


Ngumisi ang lalaki sa gilid ko.


"Mukhang masarap 'tong asawa mo ah. P—


Hindi pa natatapos ng lalaki ang sinasabi niya nang suntuk1n siya ni Chad na ikinagulat ko. Mabilis akong gumitna sa dalawa pero masyadong malakas si Chad at talagang pinagsusunt0k ang lalaki na ngayon ay dugu4n na ang mukha. Nakita kong nas4pak niya rin si Chad kaya nagkapasa ito sa bandang pisngi.


Hindi ako makagalaw sa nakita ko. Hindi ko rin napansin na nandito ang ibang empleyado ni Chad.


"Dare me, Jacob. I won't let you see what the taste of tomorrow was." Isang matalim na tingin ang binigay ni Chad kay Jacob bago ako hatakin ni Chad.


"Bumalik kayo sa trabaho niyo."


Hindi ako mapakaling tumingin kay Chad.


"Chad, bakit mo ginawa 'yon? Baka nagbibiro lang iyong tao." Padabog niyang sinara ang pinto ng office niya at hinampas ang table niya.


"Binastos ka niya. What do you want me to do? Hayaan siya? Fck him. Hindi pa kami tapos."


Umupo siya sa tabi ko at pumikit nang mariin bago ako tignan sa mata.


TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon