"Xavier!Ano ka ba naman?!Bilis!"
Sigaw ng isang batang babae sa lalaki kanyang kalaro.
"Oo na"
Nagkakilala silang dalawa dahil sakanilang mga magulang.
"Bakit ba ang tagal-tagal mo?!!"
"Sorry naman inaantok pa rin ako eh!"
"Tsk!Maiiwan na tayo nila eh!"
Sigaw ng batang babae kay Xavier.Maingay at Kalog ang batang babae habang si Xavier naman ay Masayahin pero minsan nagiging bipolar.
"Bakit ang tagal niyong dalawa sa taas?"
Tanong ng ina ng lalaki.
"Ito po kasi si Xavier eh ang tagal kung magbihis"
**
Kakauwi lang ni Xavier at ng batang babae nang mapadaan silang dalawa sa sala.
"Oo nga eh"
Sabi ng tatay ng batang babae.Akala ng batang babae na simpleng pag uusap lang ito ng kanilang mga magulang kaya nauna na lang sya pumunta sakanyang kwarto habang si Xavier ay nakikinig pa rin.
"Panubayan?Haha ikakasal na si Xavier at ang dalaga ko kapag malaki na sila."
Nagulat si Xavier sakanyang narinig pero mas nanaig ang tibok ng kanyang puso."Ang totoo niyan may gusto na ko sakanya" sabi niya sa kanyang isip.
Tumakbo si Xavier at hinanap ang batang babae.Nang makita niya ito ay hinila nya ito kaagad sa kanilang garden na Mala enchanted sa sobrang ganda.
"Ano bang ginagawa natin dito?!"
Iritadong tanong sakanya ng batang babae.Inilabas ni Xavier ang dalawang singsing na binili nya kaganina sa labas ng school.Mga mumurahing singsing.
"Ito oh isuot mo dalawa ito para pareho tayong dalawa."
Tinignan ng batang babae ang singsing na hawak ni Xavier.Nagkatinginan ang dalawa kaya nilagay na lang kaagad ni Xavier sa kanang kamay ng batang babae ang singsing.
"Ilagay mo nga sa kamay ko itong sakin."
At inabot sakanya ni Xavier ang singsing.Isinuot sakanya ng batang babae ang singsing.
"Oh iyan parang kasal na tayo"
Nagulat ang batang babae dahil sa sabi ni Xavier dahil crush nya ito.
Masaya silang dalawa araw araw.Magkapitbahay silang dalawa kaya lagi silang nagkikita.Nagkakilala rin silang dalawa dahil ang mga magulang nila ay magkabarda noong mga kabataan pa ang magulang nila.
Masaya na nga sana pero isang araw....
"MGA KAPITBAHAY!!TULONG"
Nagising ang mga magulang ni Xavier pati na rin sya.Nagulat sila nang lumabas sila ay nakikita nila ang bahay ng batang babae ay nasusunog.
Nang matapos ang pagpatay sa apoy.Sinabi ng mga bumbero na wala daw silang nakitang bangkay.At nagtaka rin si Xavier nang makita ang magulang na nagiimpake.
"Mommy san tayo pupunta?"
"Anak kailangan na natin umalis dito"
"Eh?Si L mommy diba nasunog ang bahay nila?Nasan sya?"
"Ligtas sila anak di pa ngayon ang tamang oras para sabihin sayo ang lahat"
"Kailan ko ulit makikita si L"
"Darating ang panahon makikita mo rin sya pero di pa ngayon"
Simula nang makaalis sila di na laging ngumingiti si Xavier.Laging nakakunot ang noo nito at ubod ng cold ang ugali hanggang sa lumaki.
"Gusto na ulit kita makita L nasan ka na ba"
Nakatanaw lang si Xavier sa buong sa city.Lagi nyang tinatambayan ang rooftop ng building na pagmamay ari ng kanyang Daddy.
Umalis na si Xavier at sumakay ng elevator.
Nang nasa 11th floor na siya ay tumigil ang elevator at pumasok ang isang dalaga na kung titignan nya ay kasing edad.Nasa 15 years old pa lang si Xavier.Nang mapatingin sya sa mata nito.Nakita nya itong umiiyak pero may bigla na lang sya naalala sa mga matang iyon.Si L.
Lumayo na lang si Xavier ng unti.Panay ang tingin nya sa babaeng kasama nya sa elevator na umiiyak pa rin.
"Saranghae"
Nagulat si Xavier nang marinig ang babaeng umiiyak na nagsalita.
*Ting*
Nasa 1st floor na sila.Naunang lumabas ang babae habang si Xavier ay tulala pa rin.
"Saranghae Xavier Oppa"
"Anong saranghae?"
"Secret yun bleh"
Naalala ni Xavier na mahilig magsalita ng ganon si L noong kasama nya ito palagi.Saranghae.
"Tsk di sya yun"
Pinindot nya ulit ang Undergroun floor dahil nandon ang motorbike nya nang may makita syang maliit na bagay sa sahig.
Isa itong singsing.Halos manlaki ang mata nya dahil ang singsing na hawak nya ay kagaya ng binigay nya kay L.
Tinry nya hanapin ang babae pagkalabas nya sa building pero bigo sya.
"L kailan ba kita ulit makikita."