Part 1

9.7K 24 0
                                    

"Insan!" Malakas na sigaw ni Sylvia habang sinasalubong ako ng isang mahigpit na yakap mula sa pintuan ng kanilang bahay.

Hindi ko rin maitago ang saya na naramdaman ko dahil mahigit sampung taon na kaming hindi nagkita. Simula ng manirahan s'ya dito sa Maynila at hindi na kami nagkaroon ng kumunikasyon. Mas matanda sa akin si Sylvia ng limang taon.

"Insan! Naku, kamusta kana dito? Ang tagal rin na hindi tayo nagkita!" Mahigpit kaming nagyakapan habang nakangiti.

"Okay lang, mabuti naman at naisipan mong pumasyal dito sa amin. Kung hindi kapa na promote at nalipat dito sa Maynila ay hindi mo pa naisipang bisitahin ako!" Nakanguso na sabi ni Sylvia sa akin na parang nagtatampo.

Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Close kaming dalawa dahil simula noong mga bata pa kami, palaging siya ang kalaro ko. Naging Ate ko na rin s'ya.

"Oh, huwag ka ng magtampo. Kung iisipan ang swerte mo nga 'e, napaka sarap ng buhay mo. Ang asawa mo nasa abroad at ikaw naman naghihintay lang ng allotment dito." Natatawang sabi ko.

Napakamot ako sa aking batok. Medyo nahihiya ako kay Sylvia.

"May gusto ka bang sabihin?" Hinila n'ya ako paupo sa sofa.

"Oo 'e, kung okay lang sana insan na dito muna ako mag stay sa inyo. Huwag kang mag-alala tutulong ako sa gastusin dito sa bahay at kahit na anong gawain. Natatakot kasi akong mag rent dahil alam mo na, minsan may mga multo pa!" Natatawang sabi ko.

"Veron, ikaw naman parang iba ka sa akin. Welcome ka dito sa bahay 'no kahit habang buhay kapang tumira dito walang problema." Muli n'ya akong niyakap ng mahigpit.

"Maraming salamt talaga Insan, ha!" sabi ko pa.

"Ma!"

Isang boses mula sa kwarto ang nagpahiwalay sa amin ni Sylvia sa pagyayakapan. Nakahubad at pawisan na binatang lalaki ang tumambad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit sobrang hot naman n'ya ata?

"Siya nga pala si Richard, ang panganay ko. Richard, si Tita mo Veron, oh!" Masayang pagpapakila sa amin ni Sylvia.

"Ito na ba ang inaanak ko?" Gulat na tanong ko pa.

Tumango naman sa akin si Sylvia.

"Wow! Ang bilis lang talaga ng panahon. Binata kana Richard." Nilapitan ko siya para yakapin pero para bang kinuryente ang aking katawan nang dumikit ako sa balat n'ya.

Sa sobrang hilig ko sa mga bata noong maliit pa ako, 8 years old lang ako nang maging Ninang ako ni Richard.

Halos malagutan ako ng hininga nang biglang hawakan ni Richard ang aking kamay sabay mano. Mabilis kong winaksi ang kanyang kamay kaya nabitawan n'ya ako.

Mabilis akomg umiwas ng tingin mula sa kanyang katawan. Sobrang nakaka tense.

"Maiwan na muna kita dito insan ha at mamalengke lang ako. Richard, asikasuhin mo ang tita Veron mo. Ituro mo sa kanya ang kwarto kung saan siya dapat matulog," bilin ni Sylvia sa kanyang anak.

Ngumiti lang ako kay Sylvia at tumango naman si Richard. Nagmamadaling umalis si Sylvia palabas ng kanyang bahay kaya kaming dalawa nalang ni Richard ang naiwan.

"T-Tita, sumunod po kayo sa akin," utal na sabi pa nito.

Hindi lang ako tumingin sa kanya at hinila ang maletang dala ko. Mabihat iyon kaya hirap na hirap akong hilahin paakyat sa itaas ng hagdan. Nang biglang hawakan ni Richard ang aking kamay para kunin ang maleta ay napaatras ako at kamuntikan ng mahulog mula sa hagdan. Mabuti nalang at nahawakan n'ya ako sa aking beywang.

ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon