SPG

6.2K 25 0
                                    


Hiyang hiya ako kay Sylvia. Parang ayaw ko siyang harapin, pero hanggang kailan ko naman siya iiwasan? Nasa Isang bubong lang ako at sa ayaw ko man o gusto kailangan kong magpakumbaba sa kanya. Pansin ko na wala siyang gana na kausapin ako. Ako ang kusang loob na sumama sa kanya dito sa tindahan para mamili ng mga gulay at hindi niya ako iniimik. Malapit lang ang tindahan sa bahay nina Sylvia kaya naglalakad lamang kami.

“Sylvia, let me explaine.” Panimula ko. Ilang beses akong lumunok dahil hindi pa rin siya umiimik.

Nagpatigil siya sa paglalakad at pinagmamasdan ako ng masama. “Tungkol saan?” tanong pa nito as if hindi niya alam kung ano ang sasabihin ko.

“About what you saw last night.” Napayuko ako dahil sa sobrang hiya.

Narinig ko siyang tumawa ng malakas at hinampas ng mahina ang balikat ko. “Veron, alam ko kung ano ang ginagawa ninyo ng mga anak ko. Syempre, naglalambingan lang kayo. Ikaw naman para bang may ginagawa kayong masama at gusto mong magpaliwanag,” aniya.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. It simply means that, she don't get it. Tanga ba si Insan at parang hindi niya na gets kung bakit ganoon ang posisyon ni Victor sa akin? Ano bang utak ang meron si Sylvia? Wala ba talaga siyang alam o nagpapanggap lang?

“You know what Veron, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na nagsapalaran ka dito sa Maynila para lang sa trabaho na iyon. Sa Probinsiya, di'ba isa kang Donya? Malawak ang lupain na iniwan sa’yo ng mga magulang mo at may hacienda kapa,” dagdag nito.

Tama siya, may mga ari-arian kami sa Probinsiya pero hindi ako masaya doon. Gusto kong maranasan ang magtrabaho at ma pressure nang sa ganoon ay malaman ko kung paano mamuhay ang isang mahirap. Mayaman ako. Mapera. But I am here, struggling my life at palaging stress sa trabaho ‘e, kung iisipin mas mayaman pa ako sa boss ko.

“You know the reason why I don't like to stay there, Sylvia.” Tipid na sabi ko lang at muli kaming nagsimulang maglakad pauwi sa bahay.

“Of course, hindi ko naman makakalimutan ang rason kung bakit ayaw mo doon. Lahat kasi ng meron kayo ay galing sa nakaw,” sabi nito tsaka mahinang tumawa.

Masakit iyon para sa akin. Patay na ang mga magulang ko sa Probinsiya at sa akin bumabalik ang karma nila. Naalala ko pa, pati ang mga magulang ni Sylvia ay hindi manlang hinatian ni Papa ng lupa. Namatay din ang mga magulang nito dahil walang pampagamot sa hospital. Ganoon kadamot si Papa noon, hinayaan niyang mamatay ang Ama ni Sylvia na mismong kapatid niya dahil sa kasakiman nito.

I felt sorry to her. Malaki ang galit niya sa mga magulang ko noon kaya tumungo ito ng Maynila at hindi na umuwi sa amin. Pero kahit ganoon ang nangyari, hindi nasira ang pagiging magpinsan namin. Sobrang mahal namin ang isa't-isa.

“Insan, kung ano man ang nagawa ni Papa-”

Pinutol niya ang sasabihin ko. “Napatawad ko na siya,” aniya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. I do same to her, isang malawak na ngiti ang pinakawalan ko. Maya-maya pa, hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay. Sinalubong kami ni Victor, wala na kasi si Richard dito dahil nasa trabaho na. Habang kinukuha niya ang mga gulay na hawak ko at pasimple itong humahaplos sa aking kamay. Tinabig ko rin iyon at baka masilayan pa ng Mama niya.

“Behave!” Mahinang bulong ko dito.

Nag wink siya sa akin. Tumungo ako sa kusina para maghanda ng aming pang-almusal. Biglang nagpaalam sa akin si Sylvia na may aayusin lang daw sa kwarto niya at ako nalang daw ang maghahanda ng pagkain. Since, I really love cooking, nagkusa akong magluto.

ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon