MASTURBATING

3.7K 10 0
                                    


Pwedi bang humingi ng sign sa langit kung sino ang pipiliin ko sa dalawang magkapatid? Baka itakwil na ako ng Diyos nito, dahil naabot ko nga ang langit dahil sa dalawa pero ang demonyo ko naman sa part na mga pamangkin ko pa ang pinatulan ko. Nahihiya ako sa Diyos, kung iisipin ko. Huli na para magsisi pa ako sa aking ginawa, ginusto ko rin naman gawin ang bagay na ito at ni minsan ay hindi ko naisip ang Diyos habang nakikipag kantutan ako sa dalawang magkapatid.

“Ah!” Napasigaw ako sa sakit nang dumulas ang kutsilyo sa aking kamay. Nasugatan ang daliri ko. Naghihiwa kasi ako ng baboy para lutuin.

“Oh, anong nangyari Insan?” Tanong ni Sylvia at napatingin sa aking daliri na may sugat. “Dahan-dahan lang kasi, ako na nga ang gagawa diyan.” Aniya sabay kuha ng kutsilyo sa akin.

Nahiya ako kay Sylvia bigla. Imbes na makatulong ako sa kanya parang naging pabigat pa ako rito. Simpleng maghiwa lang ng karne ng baboy ay hindi ko pa magawa ng maayos.

“Veron, pansin mo ba ang dalawang magkapatid? Parang hindi nagpapansinan ah,” tugon nito.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang mga anak. Paano iyon magpapasinan e, may sama sila ng loob sa isa't isa dahil sa akin?

“I didn't notice it,” pagsisinungaling ko habang pinupunasan ang dugo sa aking daliri.

“Kung hindi ako magkakamali baka babae na naman ang pinag-awayan nila. Naku, kung malaman ko lang kung sino ang babaeng iyon, tatadtarin ko talaga siya gamit ang kutsilyong ito.” Galit na sabi nito sabay tutok sa leeg ko ng kutsilyo.

Pinagpawisan ako sa kaba. Parang gusto kasi akong saksakin ni Sylvia. 

“Insan, ilayo mo nga iyan sa akin! Tinatakot mo ako ‘’e!” Tinabig ko ang kanyang kamay.

Tumawa naman siya ng mahina. “Ikaw naman hindi ka mabiro,” aniya.

Nagbibiro lang siya sa lagay na ‘’yun? Muntik na kayang matamaan ang leeg ko. Hindi na ako sumagot at umiling nalang. Binalik ko ang aking atensiyon sa maliit na sugat ko. Maya-maya pa bumaba na ang magkapatid mula sa kani-kanilang kwarto. Nakabihis na si Richard, habang si Victor ay nakasuot nang pang basketball na damit.

“Ma, I have to go!” Humalik si Richard, sa pisngi ni Sylvia.

“Richard, ang aga pa anak. Huwag mong bugbugin ang sarili mo sa trabaho at baka ma promote ka kaagad.” Pabirong sabi ni Sylvia. “Mag almusal ka muna,” dagdag nito.

Inakbayan ni Richard si Sylvia. “Bukas na ang promotion sa Kompanyang pinagtatrabahuhan ko, sana nga magdilang anghel kayo na ma promote ako. Sige na, kailangan ko ng umalis.”

Lumapit siya sa akin at hinalikan rin ako sa aking pisngi sabay bulong niya. “Naghihintay ako sa desisyon mo, Veron.” Mahinang sabi nito.

Peke akong ngumiti sa kanya habang nakaharap sa amin si Sylvia. “Sige, mag-ingat ka!” 

Pero bago siya umalis ay pinukol niya ng masamang tingin si Victor at tuluyang nilisan ang bahay. 

“Tita, pwedi bang magpatulong sa'yo?” ani ni Victor.

“Tulong saan?” sabat naman ni Sylvia.

“Sa accounting subject ko, alam ko na mahina ka sa Math, Mama, kaya kay Tita nalang ako magpapatulong.” Nakangising sabi ni Victor sabay kindat sa akin.

“Grabi ka naman sa Mama mo.” Nagtatampong sabi ni Sylvia. 

“N-Ngayon na ba?” tanong ko rin kay Victor.

ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon